Elmo Magalona, badtrip kay Julie Anne San Jose?!

GAANO KATOTOO na hindi in good terms ang magka-loveteam na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na hindi raw gaanong nag-uusap sa shooting ng kanilang pelikula under GMA Films? At kahit nga raw sa Party Pilipinas, kung saan magkasama ang mga ito ay deadma raw sa isa’t-isa ang dalawa.

Nag-ugat daw ang ‘di pagpapansinan ng mga ito nang ibuko ni Julie Anne ang tunay na labs at karelasyon ni Elmo, ang nakababatang kapatid ni Megan Young na si Lauren Young na isang certified Kapamilya artist na hindi yata naibigan ng binata ng yumaong si Francis M. Kaya naman ang ending, ang paglamig ng pakikisama ni Elmo sa singer/actress.

Pero pagbubuko naman ng aming kausap, pareho lang naman daw may kanya-kanyang ibang ka-partner sina Elmo at Julie Anne. Dahil kung may Lauren si Elmo, may Julian Trono naman si Julie Anne na kasamahan din ng mga ito sa PP at itinuturong laging kasa-kasama at sweet na kausap ni Julie Anne. ‘Yun na!

 

HINDI LANG yata uso ang lipatan ng mga artista sa TV5, dahil maging ang pagpapalabas ng mga prestihiyosong beauty pageant ay nakisabay na rin sa uso, dahil from GMA-7 ay TV5 na ang opisyal na media partner ng Miss World. Inaasahang palalawigin ng Miss World Philippines ang paghahanap sa mga naggagandahang Pinay para sa isang once-in-a-lifetime na pagkakataong ipakita ang kagandahan at kinang ng makabagong Pilipina sa buong mundo na mapapanood sa buwan ng Hunyo na gagawin sa Manila Hotel.

Sa pamumuno ng beauty and wellness guru na si Cory Quirino, magsisimula nang galugarin ng Miss World Philippines ang buong bansa para sa karapat-dapat na kandidatang nagtataglay ng katangiang magbibigay ng pag-asang makamit ang koronang naging mailap para sa Pilipinas sa loob ng 61 na taon.

Ngayong taon, ang Miss World Pageant ay gaganapin sa Agosto 16 sa Ordos, Inner Mongolia, kung saan 113 na mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang magtatagisan ng galing para maiuwi ang korona at tangha-ling pinakamagandang babae sa mundo.

Ang Miss World ang pinakamalaki at pinakamatandang pageant sa kasaysayan na itinatag pa noong 1951 sa London, England. Ang contract-signing ay naganap sa pagitan ng TV5 President at CEO Atty. Rey Espinosa at ang Chair at CEO ng CQ Global Quest, Inc at Miss World Philippines 2012 Pageant Director na si Cory Quirino.

 

MULA SA pagpapatawa, dream din pala ng mahusay na komedyana na katas ng reality-base artista search na Starstruck 1 na si Sheena Halili ang mag-drama. Gusto raw kasi ni Sheena na maging versatile actress na hindi lang pagpapatawa ang kayang gawin kung hindi puwede rin siyang mag-drama.

Katulad daw nina Toni Gonzaga, Ai-Ai Delas Alas at Eugene Domingo na pare-parehong click sa pagko-komedya pero tinatangkilik din ng mga manonood kapag sumabak na sa pagda-drama .

Gusto raw ni Sheena na paminsan-minsan ay mabigyan din siya ng show na susubok naman sa kanyang drama skills nang sa ganu’n, para naman daw may ipakita siyang variety ng kanyang acting skills like drama na hindi napapanood ng kanyang mga tagahanga.

 

CONSTANT TEXTMATES at callers pala ang dalawa sa cast ng pelikulang intended for Mother’s Day ng Regal Films, ang The Mommy Returns, na sina Kiray Celis at Hiro Magalona. Dahil kami mismo ang nakarinig sa usapan ng mga ito sa radio program ni Kuya Germs Moreno sa DZBB, kung saan regular na co-host ng Master Showman si Hiro every Friday.

Part nga ng usapan ng dalawang young stars na magdu-duet sila sa April 20 taping ng Master Showman sa GMA compound, para na rin sa promo ng nasabing pelikula. Bukod pa sa pagkukumustahan ng mga ito sa kani-kanilang trabaho at pang araw-araw na ginagawa.

Narinig pa namin ang usapan ng mga ito na lalabas silang dalawa para makapag-usap at bonding na rin, dahil simula nang magsama sila sa shooting ng The Mommy Returns ay naging close na ang mga ito.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Elmo Magalona, badtrip kay Julie Anne San Jose?!

  1. NAKU PAREHO LNG CHAKA C JULIE ANN AT ELMO KAYA BAGAY CLA. GAWA NA LNG CLA NG SEX VIDEO PARA SUMIKAT CLANG 2 BWAHAHAHAHAHAHA

  2. ano toh? another publicity stunt? alam na ata ng gma 7 na hindi kikita ang magiging pelikula nila kaya pilit nilang pinapalaki ang simpleng issue para macurious rin ang mga tao sa kanila. pathetic. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.