Elmo Magalona at Janine Gutierrez, nagkakadebelopan na?

Janine-Gutierrez-Elmo-MagalonaGUEST PALA namin sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado.

Kahit itinatanggi nilang sila na, nakikita ko talaga sa mga kilos nila na parang may something na silang dalawa.

Ang dinig ko nga, si Paolo Contis na kasama nila sa Villa Quintana ang nagbubuyo sa kanila na magkadebelopan na sila, pero hindi pa raw talaga.

Ayaw naman daw kasi nilang pilitin at baka isipin ng mga tao, para sa promo lang ng Villa Quintana. Kaya huwag na lang daw pilitin.

Kung sila talaga, eh ‘di sila. Madalas naman silang nagkikita sa taping ng Villa Quintana. Kaya puwede talaga, dahil pareho naman silang single sa ngayon.

Tingnan n’yo na lang at makikita naman ‘yan sa mga kilos nila sa Villa Quintana.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.