Ellen Adarna wants a breast enhancement procedure!

KUNG SI SAM Pinto ay sarado na ang isip pagdating sa pagpaparetoke dahil ‘nag-#1 na siya’ sa FHM, iba naman ang mentalidad ng Captain Barbell star na si Ellen Adarna.

Masaya ang dalaga dahil napasali siya agad sa Top 10 ng FHM Sexiest Women of 2011 kahit pa baguhan lamang siya sa pag-aartista. Inamin nito na may non-showbiz boyfriend siya at tingin niya’y nakatulong ang pagiging ‘internet star’ niya noon. Unang nakilala si Ellen Adarna sa social networking site na Friendster. Ang pagsuot din niya ng sexy red costume sa Captain Barbell at pagpapatawa sa Bubble Gang ay may naitulong din. Nang tanungin naman kung willing itong magpa-enhance ng kanyang ganda, inamin nito na open siya sa posibilidad na mag-undergo sa isang breast augmentation procedure. Hala Ellen, baka ayawan ka nang maging friend si Sam kung sakaling ituloy mo ‘yan, huh? Charot!

 

LOVI POE AT RUFA MAE QUINTO, NAG-STAND OUT  SA PELIKULANG ‘TEMPTATION ISLAND’!

Base sa mga Twitter updates ng mga nakapanood sa Premiere night noong Linggo sa SM Megamall at VIP Screening sa Resorts World, mukhang ang pagganap nina Lovi Poe at Rufa Mae Quinto bilang mag-yaya sa Temptation Island ang mas nakakuha ng papuri mula sa mga manonood. Epektibo ang naging pagganap ni Lovi Poe bilang si Serafina played by Jennifer Cortez sa original version.

Nakuha raw nito ang pagiging ‘classy spoiled brat’ na hinihingi ng character. Hindi naman kataka-taka ang pagiging kwela ni Rufa Mae bilang api-apihang yaya na si Nympha sa pelikula. Marami rin ang nagsasabing swak na swak talaga sa mga girls ang kanilang roles sa pelikula. Mas maganda sigurong mag-concentrate na lang ang mga tao sa pag-review ng pelikula kaysa bigyang pansin pa ang naging away sa pagitan nina Heart at Marian. Advice lang po!

 

SAM PINTO, PINAGYAYABANG  ANG PAGIGING ‘MATER-YALES FUERTES’ NIYA?

Si Sam Pinto nga ang itinanghal na pinaka-seksing pinay ngayon taon ng FHM Magazine, pero may mga nagsasabi rin na nangunguna na raw ang baguhang aktres pagdating sa kayabangan. Sa isang interview, inamin nito na kinarir niya ang pagpo-promote at pag-engganyo sa kanyang fans. Nang tanungin kung ano ang naging edge niya sa ibang nangunguna sa nasabing survey, sinabi niya na ‘all-natural’ at wala raw siyang pinagawa sa katawan ‘di tulad ng ibang nakabingwit ng #1 spot noon.

Dahil dito, sari-sari na ang pambabatikos na natanggap ni Sam mula sa mga fans ng ibang kalahok partikular na ni Marian Rivera. Lalong uminit ang mga fans ni Marian nang sabihin nitong hindi raw siya kinikibo ng Amaya star. Sa mga binitawang salita ni Sam, parang nag-uudyok ito ng away. Naku, mukhang SAMone is enjoying her triumph too much, huh? Tumagal ka naman kaya? Chos lang ha-ha-ha!

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Ellen Adarna wants a breast enhancement procedure!

  1. sam pinto is right,, maybe that’s the reason why she won as the sexiest pinay..napakanatural kasi ng ganda nya..wala talagang pinabago..ganda pa ng face!

  2. ellen adarna?!!,,nakakahiya naman kai kung hindi pa sya masama sa FHM list of sxiest pinay noh…ehh sobra-sobrang skin na pinapakita nya sa captain barbell ehhh.naku naman!!!

  3. your opinion is much respectful…. but for me ang c cristina G. ang most stanOut sa role na crook! she’s the best among other celebrities, i like the way she handle her carrer! well,some people say standOut role ni marian rver,ang pagiging Crook nya1 mganda,mganda ang role ni marian don! mganda sya wen it comes to comedy role nakakaAliw sya!buhay na buhay ang castings ng “shaw me d manny effective magpaTAWA c marian

Leave a Reply

Your email address will not be published.