Ellen Adarna, umaasang magkaroon din ng primetime soap

HAPPY SI Ellen Adarna dahil until now ay pasok siya sa top 5 ng FHM Sexiest Woman of 2012, at ito raw ay utang na loob niya sa kanyang fans na patuloy na tumatangkilik at walang sawang bumuboto sa kanya.

Kuwento  pa ni Ellen, bukod sa pagpasok sa top 5 ng FHM, masayang-masaya rin siya sa itinatakbo ng kanyang career, kung saan regular siyang napapanood sa Bubble Gang at ngayong buwan ay may gagawin siyang indie film na may temang horror kung saan makakasama niya ang ilang teen stars ng GMA-7.

Dream ng isa sa prime artists ng Icon na makasama sa isang primetime soap ng GMA at hindi lang guesting, kung saan nakapag-guest siya sa Biritera. Sana raw ay mabigyan siya ng GMA ng soap na pang-primetime ngayong taon.

 

HINDI RAW itinatanggi ng CEO/President ng Focus E na si Ms. Joy Cancio na ibinebenta niya ang kanyang building na matatagpuan sa Kamias, pero hindi totoo ang lumalabas na balita na purdoy na ang kanyang kabuhayan at naghihirap na.

Ayon ka’y kaibigang Joy nang makausap namin, balak niyang lumipat ng ibang lugar na siyang kanyang magiging bagong opisina na along Quezon City din, kaya naman daw kaila-ngan niyang ibenta ang kanyang building dahil ang perang pagbebentahan nito ang gagamitin niya para ipambili ng bagong opisina.

At tungkol naman daw sa isyu tungkol sa pagka-casino niya, matagal na matagal na raw na panahon na huminto na siya sa pagka-casino. Hindi naman daw niya itinatanggi na minsan dumating sa buhay niya na nag-casino siya, pero huminto na raw siya nang ma-realize niyang wala namang maidudulot na maganda ang pagka-casino sa kanyang buhay.

 

HULING LINGGO na ng My Beloved this week kung saan may mga bagong character na papasok like Ms. Boots Anson-Roa bilang tumandang si Sharina (Marian) at sina Yassi Pressman at Tanya Garcia bilang dalagita at dalagang si Joy (anak nina Sharina at Benjie) at si Hiro Magalona.

Masuwerte ngang matatawag ang guwapitong tweens na si Hiro na huling napanood sa Biritera at napapanood sa malapit na ring magtapos na Tween Hearts, nakasama pa siya sa pagtatapos naman ng Beloved.

Sa ngayon daw, clueless pa si Hiro kung anong next project niya sa GMA-7, pero umaasa raw itong muling bibigyan ng GMA ng proyekto, lalo na’t nakakontrata siya sa Kapuso Network ng 3 years.

 

DALAWANG PALABAS ang dapat abangan ng mga manonood ngayong buwan ng Hunyo mula sa GMA-7. Ito ay ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? na mapapanood tuwing hapon na pagbibidahan nina  Geoff Eigenmann at Jackie Rice, at ang Makapiling Kang Muli with Richard Guttierez and Carla Abellana.
Primetime King ang tawag kay Richard mula nang maging bida siya sa Mulawin noong 2004 dahil ang mataas na ratings ng kanyang show ang simula ng pamamayagpag sa primetime programs ng GMA-7.

Dapat nga raw aba-ngan ang kakaibang Richard sa Makapiling Kang Muli dahil ang maturity niya bilang dramatic actor ang mapapanood, na ang mahusay mismong direktor nito na si Ricky Davao ang nagsabi.
Garantisadong magugustuhan at tatangkilikin daw ito ng mga manonood ayon na rin kay Direk Ricky, dahil sa husay sa pagganap ng mga artista rito, at sa magandang script.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Ellen Adarna, umaasang magkaroon din ng primetime soap

  1. John, it’s UP TO NOW or TILL NOW . Not until now.
    Until now means hanggang ngayon but not beyond now.

    Ellen has no acting talent at all. Worse, her voice is annoying.

  2. KAWAWA NAMAN TONG BABAE NA TO…MUKHANG PINAGTITIYAGAAN NA LANG NG GMA KASI KULANG NA SILA NG ARTISTA…ARTISTA BA ETO OR DECOR LANG SA SHOW NILA?
    SABAGAY,,,SAYANG DIN ANG EXPOSURE SA TV…PAMPALAKI NG PRESYO SA BOOKING…

  3. Dear Ellen Adarna, wag ka na umasang mabibigyan ka ng primetime soap kasi isa sang chicharong hangin. Meaning, wala kang sustansya. Wala kang talent ining. Maghubad ka nalang ng maghubad or tumulong ka na lang sa negosyo ng family nyo sa Davao na mga chain ng motels. Or better yet, mag-asawa ka na lang. Wala kang puwang sa showbiz

  4. may itatanda pa pala si inang marianita eh matagal ng gurangers yun eh :P ellen, sige pagtyagaan na kitang panoorin kesa dun sa mara na anak ng high profile sa survivor :D

  5. HAHAHA UMAASA PA TALAGA SI ELLEN ADARNA? HOY, MAGISING KA SA KATOTOHANAN, PAG PUTI NG UWAK, PAGITIM NG TAGAK ANG PANGARAP MO HAHAHA! WALA KA NAMANG TALENT EH, SEXY KA LANG TANGGAPIN MO NA LANG TEH!

  6. ^^^ weh di nga, matanda na si Marian pero mukhang bata pa rin, pakaampalaya ka. At ikaw ellen di ka na magkakaroon ng starring role masyado kang bagohan, wala kang talent, pang fhm ka lang talaga. Ang cheap mo pa!

    • hahaha.. kaya patatandain na ang role ni marian ay para mawala naxa sa my bilibid para baka tumaas ang rating kahit sa last week bwahahahah

  7. kailangan talgang tumanda na c marian at baka sakaling tumaas ang ratings niang my beloved kahit sa huling week.

    • tumataas lang naman ng bahagya ang ratings ng show ng Lola Marian natin pag finale week na, tulad ng Amaya, at ngayon ang My Beloved. palipas na talaga ang panahon niya. may top-rating teleserye princesses na ang DOS. pero ang SYETE wala pa ring pamalit sa fading primetime queen nila. tsk, tsk..

Leave a Reply

Your email address will not be published.