Ellen Adarna, pinagtutulungan ng mag-inang Maria Isabel Lopez at Mara Lopez?

SA LATEST season ng isang reality show ng GMA yata masasabing pinakabatbat ng pinaka-cheap ding real-life issues involving the castaways.

Tulad na lang ni Ellen Adarna, as mythical as her avian last name ay siya ngayon ang sentro ng kaliwa’t kanang kuwento ng iringan. For sure, Ellen would have wished a momentary transformation, from human to the singing bird para maging bato ang sinumang dadapuan ng kanyang ipot atop a tree.

Bukod sa isang male castaway na mababa yata ang tingin sa mga kababaihan (calling the attention of Gabriela), Ellen is also wrestling against the mother-and-daughter tandem of Maria Isabel and Mara Lopez.

If you think that’s not an act of ganging up on Ellen, ano pa kaya ang puwedeng itawag du’n?

As for the mag-ina, they’d rather talk about intellectually stimulating topics. Sabi ni Isabel, “Naku, kung si Ellen na naman ang pag-uusapan natin, huwag na lang, sayang ang oras ko. Puwede bang ang pag-usapan natin, eh, global warming, why the Euro shrank, et cetera, et cetera.”

Still, the dethroned  beauty queen wasted her time. “Hindi ako pumapatol sa low-class!” mataray niyang sabi.

Mara is indeed a chip off the old block. If Ellen’s name denotes a bird, ang tawag naman niya kay Mara ay “hipon,” used as a derogatory term to describe a man or a woman who, like shrimp, has the “body” minus the face na itinatapon lang (pero sinisipsip muna, in fairness).

Like her feisty mom, ayaw ring patulan ni Mara si Ellen, but she went on to say: “La Salle (graduate) ako, may college degree ako!”

Low-class and a non-degree holder as far as the mag-ina is concerned, isa lang ang buwelta ni Ellen: “At least, hindi ako klepto(maniac) off-camera.”

Matagal na kasing usap-usapan ang pagpupuslit umano ng mga kung anu-anong little items found in Isabel and Mara’s hotel room. Is this the “song” that Ms. Adarna is singing?

Sadly, hindi inaantok ang kanyang “inaawitan,” the mag-ina has their eyes wide awake (and their ears wide open) sa mga susunod pang banat ng kanilang nag-iisang kaaway.

 

IKINUMPARA NI PAO Chief Persida Rueda-Acosta ang kanyang Public Atorni: Asunto o Areglo? (with a new time slot, Mondays to Fridays at 4:30 p.m. on TV5) sa isang high-end signature bag, but the comparison is not meant as a slur against Face To Face hosted by Amy Perez.

Kung tutuusin, halos if not exactly the same ang mga paksang tinatalakay sa dalawang programa (may legal component din ang FTF with the presence of one of the Trio Tagapayo na asawa ni Atty. Persida na si Atty.  Benny Acosta), but what sets PAAA apart is that it is completely legal in approach, kung saan kapag hindi nagkasundo (although it tries it darnest best to resolve all conflicts) ang magkasalungat na panig ay du’n na papasok ang pagdedemandahan.

Sa tanong kung mas pinapaboran ni Mr. Manny V. Pangilinan ang hepe ng naturang tanggapan ng mga mananaggol ng pamahalaan, “Ah, hindi. Kung ang suporta ni MVP sa Face To Face, eh, bonggang-bongga, ang suporta rin niya sa programa ko, eh, bonggang-bongga rin,” sagot ni Atty. Persida in her signature yellow top with black piping.

But are she and Tyang Amy friends? “We’re not regular textmates, siguro, we text each other once in a while.”

Isa ba  sa kanila ay insecure with the other? “Ay, hindi rin! Ang papel ko po sa programa is an extension of my duties as PAO Chief. As much as possible, kung ang kaso naman, rin, puwedeng ayusin, bakit kailangan pang paabutin sa korte, di ba?” sabay ipinapanood sa amin ni Atty. Persida ang powerpoint of her office’s achievements through the years with emphasis on the high percentage of cases resolved attained through mediaton and concilia-tion.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

7 thoughts on “Ellen Adarna, pinagtutulungan ng mag-inang Maria Isabel Lopez at Mara Lopez?

  1. Starlet na starlet ang dating nito! Ang cheap pa nang mukha, ang laki ng pinagbago ng mukha nito ah, halatang retoakada. At kung palengkera ang bansag kay Marian ito, pokpok sa tabi tabi, kung sino-sino pang lalaki ang kinakalantari.

  2. for sure matatapos lang itong cheap na issue na ito pagkatapos ng survivor philippines! sayang si adarna, walang pinag aralan at kapit sa patalim,meaning kumakapit sa pangstarlet na issues para sumikat, teka starlet nga pala sya! hahahaha! a forever starlet, bow! hahahaha

  3. kinakampihan mo pa c ellen eh yan lang naman ang putak ng putak sa twitter! ayaw nga sya patulan ng mag ina di ba? anong pinagsasabi mo na pinagtutulungan? and isa pa, hindi c arnold ang nagsabi ng sex video, ibang tao i checked ellen’s photos sa twitter kasi nag screen shot sya ng palitan nila ng twits ni arnold dati at ibang cast aways! mali mali information mong bakla ka!

  4. ANO BA ITONG ELLEN NA ITO, WALA PANG NAPATUNAYAN, NEGA NA KAAGAD ANG DATING DAHIL SA PARANG KABASTUSAN AT ESKANDALUSANG MGA STORY SA KANYA, BAKA MAGING ANNABEL PART 2 ITO, HAY NAKU, DADAMI NA NAMAN ANG MGA WALANG BREEDING NA SHOWBIZ PERSONALITIES, DI BA SHE ADMITTED DAW NA NAKIPAG LIVE IN NA ITO? HINDI NA PALA ORIGINAL ITO, HAHAHAHAHAHA……….. BROKEN AT SPOILED EGG NA PALA SI INDAY.

  5. Akala ko nung una ang Ellen Adarna ay pangalan ng isang character sa komiks.. Negang-nega ang pagpapansin ng babaeng eto.

Leave a Reply

Your email address will not be published.