Ellen Adarna, pakawala?

Ellen-AdarnaBIGLANG UMINGAY ang pangalan Ellen Adarna nang maglabasan ang mga sexy pictorial at pagiging game nito sa hubaran.

Sa bagay, nang kasama pa siya sa Bubble Gang, marami na ang nakapapansin sa kaseksihan ni Ellen. Lalo nang pasukin at tanggapin niya ang serye ng ABS-CBN, kung saan walang takot niyang ginawa ang mga daring scene with JC de Vera.

Nagpasampol siya ng kaseksihan at pagiging game sa halikan at love scene nila ni JC sa Moon of Desire. At buong ningning niyang sinabi na nag-enjoy siya sa lampungan nila ng actor na kinunan sa loob ng kotse.

Ayon kay Ellen, kahit na raw liberated at open sa sex ang image niya ngayon, hindi siya naniniwala na magiging kabawasan ito sa kanyang pagkababae.

“No naman! I don’t  know? I don’t think there’s anything wrong with being liberated,” bungad ni Ellen. “Not naman in a way na pakawala ako sa mga lalaki. I mean, I don’t sleep naman with a lot of guys. ‘Yung mga relationship ko, lasts 3 years. ‘Yung pinakamatagal kong boyfriend, 7 years. Magwa-1 year po ako. Matagal po ako mag-boyfriend. Hindi po ako months. Mahilig lang po akong lumabas. I don’t see anything wrong with that kasi ganoon po ako lumaki.”

Kahit na liberated at open sa sex si Ellen, hindi naman daw siya nabastos ng lalaki or may nag-take advantage sa kanya.

First time daw siya nakaranas ng pambabastos noong high school. Nasa mall siya sa Cebu nang may lalaki raw na nagtangkang dampian ang boobs niya. “Feeling ko kasi that time ay talagang sinadya ng guy na… boobs ko. Ginawa ko ay tinadyakan ko siya.”

Inamin din ni Ellen na retokada ang boobs niya. Wala naman daw masama kung magparetoke ang isang tao ng parte ng katawan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Ellen Adarna, pakawala?

Leave a Reply

Your email address will not be published.