Ellen Adarna, nagpalaki ng boobs?!  

GAANO KAYA katotoo na nagpalaki ng boobs ang magandang Kapuso Star na si Ellen Adarna? Sa latest na picture kasi nito sa Januray 2012 issue ng FHM men’s magazine, bigla ang paglaki ng boobs nito, kumpara sa nauna nitong pagpo-pose sa nasabing babasahing, kung saan ‘di kalakihan ang boobs nito.

Marami tuloy ang nagdududa na baka nga tinuloy nito ang kanyang naunang pahayag dati na meron siyang gustong ipadagdag sa kanyang katawan, ‘yun nga ay ang magpalaki ng boobs. Pero kung marami ang nagulat at nagtaka, marami rin naman ang natuwa, lalo na ang kalalakihan, dahil napakaganda raw ng litrato ni Ellen sa cover ng FHM.

Bukod daw sa maganda ang mukha ni Ellen, napakaganda raw ng kurba ng katawan nito, kaya naman daw if ever nga na totoong nagpalaki ito ng boobs, okey lang naman daw, dahil bagay naman daw kay Ellen at nakatulong para mas maging daring at sexy ang mga picture nito sa cover at ilang pahina ng nasabing babasahin. ‘Yun na!

 

AFTER SHALALA, ang magaling na co-host ni Kuya Germs at pamangkin nitong si John Nite ang susunod na lilipat sa TV5 via Radyo5. Palagi na kasi itong napapakinggan tuwing madaling-araw kasama ni Shalala. Well ‘yan ang aalamin ng inyong lingkod kay John.

At sa pagpasok nga ni John Nite sa Todo Bigay, ang radio program ni Shalala, mas dumami raw ang listeners nito dahil sa sobrang galing magbigay ng payo ni John, lalung-lalo na kapag tungkol sa medisina.Isang certified doctor si John Nite.

Tsika nga ng isang nakausap namin, may magnet nga raw ang tandem nina Shalala at John Nite sa radio, dahil kapag napakinggan mo raw sila, mama-magnet ka at tututukan mo na itong pakinggan araw-araw, dahil mabubusog ka sa impormasyon na hatid ng show at matutuwa ka pa sa pagpapatawang dala naman ni Shalala.

Bongga nga raw si John, dahil may pangmadaling-araw na siyang TV show, ang Walang Tulugan with The Master Showman, with Kuya Germs, may radio program pa siya na pangmadaling-araw rin with Shalala.

 

SA PAGTATAPOS ng Ikaw Lang ang Mamahalin, wala pang kongkretong balita kung ano ang next show ng itinuturing na isa sa magaling na batang aktor at sinasabing Coco Martin ng GMA-7 na si Kristoffer Martin.

Pero ayon sa isa sa pinakasikat na young actor sa bansa na si Kristoffer, alam daw nito na may plano sa kanya ang GMA-7 at bibigyan siya ng bagong trabaho sa pagtatapos ng ILAM. Sa ngayon daw, nagpapasalamat ito sa kanyang mga tagahanga at mga taong tumutok ng kanilang show, dahil sa taas ng rating nito.

Top-rater din ang kanilang Best Youth-Oriented Show na Tween Hearts at variety show na Party Pilipinas, parehong every Sunday, kaya naman daw magtapos man ang ILAM ay may dalawa pa siyang regular show.

Wish nga ni Kristoffer na sana sa susunod niyang proyekto ay mabigyan siya ng Kapuso ng primetime soap, katulad ng Endless Love, kung saan nag-click ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo na ngayon ay namamayagpag na rin ang career sa ABS-CBN. Iba raw kasi ‘pag primetime ang show, lahat nakakapanood dahil lahat ay nasa bahay na sa gabi.

 

TOTOO KAYA ang bali-balitang magtatapos na ang Pepito Manaloto sa pag-alis ni Carmina Villaroel sa GMA-7 at pagbabalik sa ABS-CBN, kung saan balitang gagawa ito ng primetime soap sa Kapamilya Network?

Tsika pa na tatapusin na lang ang ilang episodes ng Pepito Manaloto at papalitan na ito ng ibang show na si Michael V pa rin ang bida. Pero walang assurance na parehong cast pa rin ang kasama minus Carmina.

‘Yan ang ating pakakaabangan sa mga susunod na araw at linggo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Ellen Adarna, nagpalaki ng boobs?!  

Leave a Reply

Your email address will not be published.