Ellen Adarna is not affected on her ‘issue’ with Michelle Madrigal!

DEADMA NA LANG daw si Ellen Adarna sa kumakalat na balita na hindi sila in good terms ng co-star niya sa Captain Barbell na si Michelle Madrigal na nagsimula sa taping, at kahit saan nga raw sila magkita ay ‘di talaga sila  nagpapansinan.

“Masaya ang samahan namin sa set. We’re all fortunate to be part of an important TV project.”
Kung si Ellen nga raw ang masusunod, ayaw na lang daw niyang pag-usapan ang nasabing issue dahil hindi naman daw totoo. Basta happy raw siya na nakasama siya sa CB at isa sa inaabangan dahil sa napaka-revealing niyang costume.

“Nag-iingat nga akong gumalaw kasi masyadong revealing. The last thing I want is a wardrobe malfunction.”
Basta happy raw ngayon si Ellen sa kanyang pagpasok sa top 10 sa FHM Sexiest ng 2011, kung saan nasa top 8 spot siya among hundreds. Naungusan na niya ang mga ibang early favorites including Katrina Halili na two-time number 1 at ngayon ay nasa number 10 spot na lang.
At para bumoto kay Ellen sa FHM, just key in iFHM50 VOTE ELLEN ADARNA and send to 2640 or vote online www.fhm.com.ph .

 

MARAMING NAGULAT NANG maka-usap namin via phone patch ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa radio program namin sa DZBB 594 at sabihin nitong ibigay na sa iba ang titulong Superstar sa mas nakababata at deserving naman para sa nasabing titulo.

Pero mabilis na nag-react ang mga solid Noranians na nasa studio nang araw na iyon sa sinabi ng kanilang idolo at nagpahayag na hindi sila papayag. Dahil ang titulong Superstar daw ay para lamang kay Ate Guy at wala nang iba pang gagamit nito.

Puwede naman daw bigyan ng ibang titulo ang ibang mga su-misikat na kabataan, dahil bawat sumisiklat naman daw na artista ay binibigyan ng titulo like Manilyn Reynes noon na tinaguriang Star of The New Decade, Sharon Cu-neta – Mega Star, Maricel Soriano – Diamond Star at maging ang rival nitong si Gov. Vilma Santos na tinagurian namang Star for All Seasons, atbp.

Para raw sa puso ng mga Noranian, nag-iisa lang ang Superstar sa kanilang puso at ito ay walang iba kundi si Nora Aunor na nagdiwang ng kanyang kaarawan last May 21, at nag-wish na sana ay makauwi na siya ng bansa para makita niya ang kanyang mga anak, mga kapatid at minamahal na tagahanga.

 

BUKOD SA PARTY Pilipinas at Happy Yipee Yehey, may bagong show ang pinakasikat na all-female group sa bansa, ang SexBomb Girls. Ito ay ang Gandang Gabi Vice na pinagbibidahang show ni Vice Ganda at nagsimulang mapanood last Sunday ng 9:45 p.m., pagkatapos ng Pilipinas Got Talent.

Personal choice daw ni Vice ang SexBomb Girls kaya naman daw thankful ang magagaling at magagandang mananayaw sa magaling na host/comedian. Bukod sa SB, makakasama din ng mga ito ang XB Gensan at True Colors.

 

MARAMING KABATAAN SA GMA-7 ang naiinggit sa young star na si Bea Binene for having 4 shows: Tween Hearts, Party Pilipinas, at Captain Barbell sa GMA-7, at isa sa GMA NewsTV. Bukod pa riyan ang ginagawa nilang pelikula under GMA Films na pagsasama-han nilang mga tween stars.

At kahit nga kabi-kabila ang proyektong ginagawa ni Bea, hindi ito   makikitaan  ng  pagod  at  laging on the go pa rin. Tsika nga ni Bea, sayang naman daw ang mga proyektong ibibigay sa kanya ng GMA-7 kung hindi niya pagbubutihan. Thankful nga raw siya sa Kapuso Network sa dami at  magagandang  projects na  ibinibigay sa kanya, kaya naman daw in return ay 100% plus na pagtatrabaho ang isinusukli niya sa Kapuso Network.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

8 thoughts on “Ellen Adarna is not affected on her ‘issue’ with Michelle Madrigal!

  1. eeeww sino tong mga ito? bakit sila pinag uusapan?
    so they’re part of the trashy show Captain Barbell? Ang isang walang kakwenta kwentang palabas sa TV. Kung pwede lang eh malamang bumangon si Mars Ravelo at pagbabatukan yang mga bumaboy sa obra nya… Hay naku, tanggalin na nga yang walang kwentang show na yan sa TV.. kakasuka!

  2. HAHAHAHAHAHAHAHA super laugh nmn ako sa comment ni CLOUD. Make sense nmn tlga ang comment nya. super wasiwas lng espada c bea sa CB tapos isang tulak kang sa kanya humahagis na hahahhahahahha. 

  3. cloud just a point of advice, don’t be mean  to orkidia, she was just asking..that’s the reason she indicated these words…CORRECT ME if I’m WRONG… we are all civilized people here…do not use foul language….Peace….

  4. hoy cloud, mas tanga ka dahil nabasa ko yan dati sa isang tabloid. Sa username mo lang napaghahalatang nasa cloud ang utak mo, MORON. Masama bang magtanong kundi ba naman napakasama ng ugali mo.

  5. Correct me if I’m wrong John, was Ellen Adarna ever linked to Diether Ocampo years back when he and Kristine H were still a couple?

  6. nako….wala nmang ibang alam na stunts yan si bea sa captain barbell. puro wasiwas lng ang ginagawa sa espada. nkka irita ung sound effects. wala ring kwenta ung director. kulang na kulang ang kaalaman kung ihahambing sa mga directors sa japan taiwan at US.

Leave a Reply

Your email address will not be published.