Ellen Adarana, pinataob si Sam Pinto!

TAOB SI Sam Pinto! Ito ang tsika sa amin ng aming source na dumalo sa autograph signing napakaganda, sexy at napakakinis na si Ellen Adarna para sa FHM, kung saan siya ang cover ngayong buwan. Mas dinumog nga raw ang autograph signing ni Ellen kumpara sa isa ring Kapuso star na si Sam Pinto.
Ito rin ang second time na nai-cover si Ellen ng men’s mag. Pero mas successful daw ito ngayon dahil mas marami raw ang bumili ng kopya.
Ito raw ang pagpapatunay na mas maraming lalaking natatakam na makita ang kahubdan ni Ellen kumpara kay Sam. At kahit nga raw sales ng kopya ng magazine, umaalagwa ang benta ngayong January nang mag-cover si Ellen. Partida pa raw niyan na kahit mayroong BF si Ellen ay patuloy pa rin siyang pinapantasya ng mga kalalakihan.

 

KUNG DATI-RATI ay very vocal sa kanyang buhay pag-ibig ang isa sa main cast ng NET25 first primetime soap na 5 Girls and a Dad, na mapapanood na sa Lunes, Jan. 23 na si Ms. Vangie Labalan, ngayon ay hindi ito ang kanyang priority.

Kaya naman daw kahit marami ang nagpaparamdam sa kanya mapa-Pilipinas hanggang sa Australia, kung saan ilang linggo rin itong namalagi sa nasabing bansa para bisitahin ang kanyang anak at apo, at kung saan din nagturo ito ng acting at Argentine Tango, hindi raw ito binigyang-oras ni Tita Vangie.

Ngayong 2012, career at family raw ang priority ni Tita Vangie at ang kanyang negosyo na “Davao’s Best lechon manok and liempo, kung saan may 25 branches na ito, kasosyo ng dati ring napabalita at na-link ditong propesyonal na DI (dance instructor) na si Starzky, na ang katotohanan pala ay isa lang napakalapit na kaibigan nito.

 

BLIND ITEM: Sino kaya itong badidang na komedyano ang sinasabing tirador ng mga waiter? Everytime daw kasi na papasok at kakain sa isang restaurant ang komedyanong ito, imposibleng hindi maka-take home ito ng waiter sa mga pinupuntahan nitong restaurant.

Super duper landi raw si komedyano everytime na may natitipuhang waiter, kesehodang kahit papa’no ay nakikilala na rin siya sa mundo ng showbiz, basta type niya ang isang waiter, umaandar na ang kakirihan nito.

At dahil nga celebrity, ibinibigay kaagad ng mga waiter na natitipuhan nito ang kanilang mga numero na kaagad namang sini-save ng katikaterang komedyano at presto, paglabas na paglabas nito ng restaurant ay tinatawagan kaagad nito at nakikipagkita.

Pinapapunta raw ni Komedyano ang waiter na natitipuhan sa kanyang pad at doon nagaganap ang milagro, kung saan matagumpay namang natitikman nito ang mga natitipuhang waiter at ‘pag natikman na niya ay deadma na ito sa pinapuntang waiter at naghahanap na naman ng ibang mabibiktima. ‘Yun na!

 

GOING INTERNATIONAL na pala ang Model search na “Mr and Ms Olive C Model Search 2012”, kung saan galing ang Tweenstar at Regal Baby na si Hiro Magalona at ang Ms. Earth-Water na si Muriel Orais, dahil ang 2012 winner nito ay ipadadala na sa ibang bansa para mag-compete sa Mr & Miss Teen Universe in Guatemala this coming October 2012.

Magaganap sa January 28, 2012 ang Grand Finals sa Ynarez Sports Complex in Pasig City, kung saan magsisilbing host ang Master Showman co-host na si Mr. John Nite at ang Miss Earth 2007 na si Jeanne Harn. Manggagaling ang mga kandidato mula sa iba’t ibang paaralan sa buong Pilipinas.

Ang mananalong male/female ay mag-uuwi ng P25,000 cash (each), one year supply of Olive C and P100,000 modelling contract as official product endorsers/ image models under Psalmstre and Creworks Asia and an opportunity to represent our country for the search of 2012 Mr & Miss Teen Universe.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Ellen Adarana, pinataob si Sam Pinto!

  1. si chokoleit yan..tirador yan ng mga waiter dito sa MOA nandito yan parati…inaabngan kasama mga bading na PAs ng abs dito sa starbucks…nanghuhunting ng waiter at call center agents…

Leave a Reply

Your email address will not be published.