Ella V. at Gwen Garci, buntis din! – Gorgy’s Park

TAHIMIK SI ANDREA del Rosario sa lalaking nakabuntis sa kanya dahil non-showbiz naman daw ito. Pero may nagkuwentong may asawa raw itong lalaki kaya hindi puwedeng pumronta at hindi binabanggit ni Andrea kung sino ito.

Pero may nagkuwento sa aming itong lalaking nakabuntis ay Andrea at nakabuntis rin daw ng dating beauty queen pero wala na sila ngayon at napunta na nga kay Andrea.

Ang latest, may lupa’t bahay na raw si Andrea sa isang sosyal na subdivision kaya kampante naman ito sa kanyang pagbubuntis na mabubuhay naman siya kung matagal-tagal siyang walang trabaho.

Pagkatapos aminin ni Andrea ang kanyang pagbubuntis, umamin na rin ang isa pang dating Viva hotbabe na si Ella V na happy naman sa buhay niya ngayon sa Amerika.

Dalawang buwang buntis na rin si Ella V. courtesy of her Fil-Am boyfriend at bale pangalawang pagbubuntis na ito ng seksing hotbabe, dahil nakunan siya sa una.

Nagbabawas na nga raw ngayon ng trabaho si Ella para matiyak lang na mabubuo ang kanyang dinadala dahil gustung-gusto na raw talaga niyang magka-baby.

Ang isa pang miyembro rin ng Viva hotbabe na nagdadalang-tao na rin ngayon ay si Gwen Garci na kasalukuyang nasa China. Wala pa kaming ideya kung sino ang nakabuntis sa kanya pero non-showbiz din daw ito.

Tahimik muna ngayon si Gwen dahil may mga commitment pa raw ito na kailangang tapusin bago siya umamin. Pagbalik daw niya galing ng China ay malamang magsasalita na rin ito dahil happy rin daw ito sa kanyang pagbubuntis.

Pagkatapos manganak ni Andrea ay balak daw niyang bumalik sa showbiz at magpapa-sexy pa rin daw siya.

AYAW NANG SAGUTIN ni Gina Alajar ang pahayag ni Suzette Ranillo tungkol sa isyu ng kanyang pamangking si Krista Ranillo.

Sinabi ni Suzette na alam naman daw ni Gina na hindi si Krista ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Michael de Mesa. Kaya huwag daw ibunton ang sisi kay Krista nang paghihiwalay nila.

Kaya kaagad na hiningan ng Startalk ng sagot si Gina sa sinabi ni Suzette pero dedma ang aktres.

“Wala akong reaction,” text back ni Gina sa isang reporter ng Startalk.

Nang kinulit pa ito para sagutin ang sinabi ni Suzette, sinabi na lang niyang wala raw siyang panahon sa babaeng ‘yun.

Kahit ang anak niyang si Geoff Eigenmann ay tumanggi ring sumagot dahil hindi naman daw kailangang patulan pa.

Sinagot din ni Suzette ang isyung naglabas ng gamit ni Bianca sa shooting ng Wapakman, kaya hiningan din namin ng sagot si Bianca.

Nakiusap ang manager ni Bianca na huwag nang patulan dahil hindi na raw kailangang palakihin pa ang isyung ‘yun.

Pero knowing Bianca, hindi mapipigilan ang bibig niyan kapag nalaman niya ang mga pinagsasabi ni Suzette.

Abangan na lang ang mainit na sagutang ito sa Startalk!

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

6 thoughts on “Ella V. at Gwen Garci, buntis din! – Gorgy’s Park

  1. alam nyo ba kung ano ang totoong dahilan ng hiwalayang alatiit at si lamesa… wag nyong ibintang kay krestal kahit itanong nyo kay dominik… ano ba ang counterpart ng nambababae?

Leave a Reply

Your email address will not be published.