Ella Cruz, puring-puri ng co-stars at production staff sa serye!

BLIND-ITEM: NATULOY rin pala ang child actress sa bago nitong show sa isang network. Saksi kami nu’ng tawagan ng nanay ng child actress ang manager upang ipaalam na ayaw na ng anak na child actress na gawin ang role. Nahihirapan daw kasi ito. Nanga-ngati raw ang bata kapag sinisimulan nang lagyan ng make-up ang buong katawan nito. Hinihika rin daw kapag naaamoy na ang make-up na nakababad sa buong araw.

Para hindi ma-stress, sabi nu’ng manager sa nanay ni child actress na nagri-reklamo, ay tatawagan na niya ang production at sasabi-hing tanggalin na ang child actress sa show. Pero may pauna ito na huwag maiinip kapag walang show ang anak. Buti nga raw at may show ang bata samantalang ‘yung iba’y naghihintay pa at kung mamalasin ay walang show sa buong taon.

Sinabi rin ng manager sa nanay ni child actress na masyado silang mareklamo, kapag naman walang show ang bata ay tawag sila nang tawag at sinasabihang ihanap niya ng show ang bata, ngayong may show ay nag-iinarte naman at super daming reklamo. Aba, feeling kung sino na ang nanay at ang child actress, huh!

Ayun, natauhan siguro ‘yung nanay at heto’t tuloy pa rin pala si child actress sa show. Natakot siguro ang nanay sa sinabi ng manager. Kung hindi itinuloy nu’ng nanay ang show para sa child actress, baka makalimutan na siya dahil napakaganda nu’ng role at kasama pa ni child actress ang sinasabing karibal nito ngayon sa popularidad na child actress din. In fairness, mahusay rin ang child actress na karibal at patok na patok pa ang show na katatapos lang nitong gawin.

Naku, ayaw ni Ate Vi ng ganyan, huh!

 

TUWANG-TUWA ANG mga kasamahang artista at production staff sa bida ng Aryana na si Ella Cruz. Napakabait daw nito at walang kaarte-arte sa katawan. Lahat daw ng mga tao sa set ay nilalapitan at kinakausap ng magandang young star. Join din daw ito sa mga staff sa pagkain ng mga street foods. Masayahin din daw at parating nakangiti ang magandang youngstar at tila wala itong kapagurang magtrabaho.

“Masayahin lang po talaga ako. At saka masaya po ako, kasi may show po ako sa ABS-CBN. Masaya rin po ang mga kasama ko sa show at mababait po sila sa akin lalo na po ang nanay ko, si Nanay  Pokwang,” sey ni Ella nang makapanayam namin.

Nanay na nanay raw si Pokwang sa kanya? Alam ba niyang namatayan ng anak si Pokwang?

“Opo, nakuwento po niya sa akin. Sabi nga po niya, kung buhay nga raw po ‘yung anak niya ay kasing laki at kasing edad ko po. Si Nanay Pokwang naman po ay ganu’n din ang tingin ko, para po siyang tunay na nanay. Napakabait po niya at nararamdaman ko po kapag niyayakap niya ako na mahal niya ako at parang tunay ring anak,” sey pa ni Ella.

Sinasabi rin ng mga tao sa production na napakahusay raw umarte ni Ella at mabilis mag-memorya ng mahahabang lines sa eksena. Para raw beterano na itong umarte at ‘yun nga, madaling bigyan ng instructions ng direktor at madaling makasunod sa kung ano ang ipinagagawa sa kanya.

“‘Yun po kasi ang gusto kong gawin mula nu’ng bata pa ako. Gusto kong mag-artista at gusto kong umarte. Gusto ko pong makita ang sarili ko sa TV at sa pelikula. Malaki po ang pasasalamat ko sa ABS-CBN sa pagbibigay nila ng tiwala sa akin upang bigyan ako ng malaking show gaya ng Aryana.

Samantala, kung puring-puri ng mga staff si Ella, kabaligtaran naman ang sinasabi nila sa isang artista na kasama rin sa show. Nag-iinarte raw ito lalo na sa make-up. Feeling sikat din ito na kung umasta eh, siya ang bida. Naku, ‘wag na nating pangalanan dahil hindi na siya sikat, ‘noh!

Ayaw ng Hollywood!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Related Post

loading...

4 thoughts on “Ella Cruz, puring-puri ng co-stars at production staff sa serye!

  1. c francis maguindayao yung young piolo sa dahi sa pag ibig..talent yata ng 7..pati nga kapatid ko disappoint ng malaman na iba ang partner ni ella ayun tuloy d nanood ng arianna

  2. natuwa kami ng magkaroon ng show si ellah, iniexpect namin na yung young piolo sa dahil sa pag-ibig ang partner niya, hindi pala… akala din ng mga klasmyt ko yung young pilo sa dahil sa pag-ibig mas may chemistry silang dalawa, sana e try ng dos na ipasok yung young piolo na gumanap sa dahil sa pag-ibig mas bagay sila, si sallas kasi di sila bagay ang yung bagong pasok. try kaya ng dos tignas nila ang maraming reaction at papatok.marami nga gusto na di na lumaki si piolo at cristine reyes sa serye,dahil mas bagay si ealla at yong young pilo. pleasee… abs.hindi kayo magsisisi..

Leave a Reply

Your email address will not be published.