Ella Cruz, nasagip si Donnalyn Bartolome sa pagkalunod sa syuting ng ‘Cry No Fear’

Cry No Fear’s Donnalyn Bartolome, Direk Richard Somes and Ella Cruz

MALAKI ang pasasalamat ng YouTube sensation at isa sa bida ng pelikulang Cry No Fear na si Donnalyn Bartolome sa co-star na si Ella Cruz dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya sa pagkalunod habang ginagawa ang pelikula.

Kuwento ni Donnalyn, “Tumalon kami to the pool tapos, hindi ko po kaya, ilang take na rin po kasi ‘yun, pagod na pagod na po ako.

“Pag umaakyat ako, tubig pa rin ‘yung naaano ko. Hindi na ako nakakahinga. So, humingi na po ako ng tulong.”

Narinig naman daw ng direktor na si Richard Somes ang sigaw niya pero bago pa man daw ito makatalon, nandu’n na raw si Ella sa likod niya.

“Sobrang thankful ako, nandu’n na siya. Nabuhat na niya ako,” pagre-recall pa ni Donnalyn.

Ayon naman sa kuwento ni Ella, timing daw kasi na pagtalon ni Donnalyn sa pool ay tumalon na rin siya kaya nasa likod lang daw siya nito.

“Tapos nung sakto, siyempre, pagtalon ko, swimming ako. Pag-ahon ko, narinig ko siyang humihingi ng tulong. So, nag-rush na ako sa kanya. Inangat ko na siya,” kwento pa ni Ella.

Ssamantala, palabas na ang Cry No Fear sa  June 20.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.