Ella Cruz, itinangging nagpalaki ng boobs

Ella-CruzNAPANSIN NG press na biglang lumaki ang boobs ng bagets star na si Ella Cruz na kaagad namang tinakpan nito at biglang na-conscious.

Paliwanag ni Ella, enchancement bra lang daw ang dahilan ng biglang pag-alsa ng kanyang dibdib.

“Kung magpapagawa na rin lang ako, di dapat pinalakihan ko na,” say pa ng bagets na tila papunta na talaga sa pagpapaseksi.

Pero pagdidiin ni Ella, malabo raw magpa-sexy siya ulit sa TV. Pass na daw muna siya sa offer na pa-sexy at mature role na siyang inalok sa kanya ng MMK.

Hindi raw niya kaya ang nakalagay sa script at natatakot raw siyang mapako sa sexy ang image. After all, 19 years old pa lang naman daw siya at gustong i-enjoy ang mga cute role tulad ng character niya sa TV5 na #ParangNormalActivity.

Ayon pa kay Ella, wala raw talaga siyang nakikitang kaseksihan sa kanya. Kaya nagtataka kung bakit pinipilit siyang magpa-sexy ng ibang tao. At higit sa lahat hindi raw siya confident na gumanap sa mga sexy roles.

Gusto raw niyang makaramdam ng kilig sa mga project na gagawin kaysa painitin ang mga kalalakihan sa mga sexy role.

Teka, hindi naman kaya wala siyang project sa ABS-CBN ay dahil sa pagtanggi niya muna sa mga sexy roles?

Pero panatag naman daw ang loob ni Ella na hindi siya kalilimutan ng Kapamilya Network, dahil lagi naman daw niyang ibinibigay ang kanyang kakayahan sa bawat project na ipagkatiwala sa kanya ng Dos.

Laking pasalamat lang ni Ella dahil sa panahong wala siyang project sa Dos ay nagbibida naman siya sa TV5. Okey naman daw sa ABS-CBN ang paglabas niya sa Kapatid Network.

Sa tanong kung may balak ba siyang iwanan nang tuluyan ang ABS-CBN para lumipat ng ibang network?

“Wala po akong balak iwanan ang ABS-CBN,” pagtatapos ni Ella.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.