Ella Cruz, ipinalit ni Bret Jackson kay Andi Eigenmann

Ella-CruzSI AJ Muhlach ang bagong leading man ni Ella Cruz sa Wattpad Presents “Bebeng Pabebe Meets Super Jiro” na magsisimula sa Lunes, August 31, sa TV5.

Matatandaang sa Wattpad Presents din nagkasama sina Ella Cruz at Bret Jackson na na-link noon kay Andi Eigenmann. At pagkatapos nga niyon, nagkaroon ng bulungan na tila nahulog daw ang loob ni Bret kay Ella. Katunayan, nang mag-celebrate ng kanyang 19th birthday ni Ella, hindi nakalimutan ni Bret at niregaluhan niya ito ng gold necklace at diamond earrings.

Sa mini-presscon nga sa Max’s last Wednesday night, hindi naman ikinaila ni Ella na niregaluhan nga siya ng jewelry ng ex-boyfriend ni Andi. Pero nang tanungin namin si Ella kung may namamagitan na nga ba sa kanila ni Bret, nakatawang sinabi ng young actress na dating lang daw sila, at wala pa raw relasyon.

Hindi nga masabi ni Ella kung nanliligaw raw ba si Bret sa kanya kahit na lumalabas sila kasama ang kanilang barkada. If ever na si Bret na raw ang makasungkit ng puso niya, first time na magkakaroon ng boyfriend si Ella.

Pero pagdidiin ni Ella nang makatsikahan namin na hindi pa raw niya sineseryoso ang tawag ng pag-ibig. Bata pa siya at marami pa raw pangarap sa buhay.

Sa isyu naman na lalayasan na niya ang ABS-CBN dahil wala naman siyang ginagawang project, wala raw itong katotohanan. Ang paglabas daw niya sa TV5 ay may pahintulot ng Star Magic, kung saan siya nagsimula at naka-kontrata. Kahit na raw tapos na ang kontrata niya sa Star Magic at hindi pa nire-renew, hindi siya aalis hangga’t hindi siya mismo pinaalis ng kanyang home studio. Nangako naman daw ang Star Magic na may gagawin siyang project, pero habang wala pa ay pinapayagang siyang lumabas at tumanggap ng project sa TV5.

Samantalang hindi ikinaila ng ka-partner ni Ella na si AJ Muhlach na hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Ella na bukod sa malambing ay madaldal na may sense.

Nagpasalamat si AJ na younger brother ni Aga Muhlach sa pagbibigay sa kanya ng role na isang superhero dahil matagal na raw niyang pangarap na makaganap ng role na may kapangyarihang makatulong sa kapwa.

Sa mga hindi nakaaalam, si AJ ang dating ka-partner or ka-love team ni Nadine Lustre nang ipakilala sila sa Bagets sa ilalim ng Viva Films.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articlePabebe Girls, gustong maging apo ni Lolo Nidora
Next articleClaudine Barretto, malabong magkaroon ng regular show sa Dos

No posts to display