Elementarya at Hayskul, GAGAWING 12 TAON

SA ISINUSULONG NA bagong kurikulum ng Department of Education (DepEd), gagawin nang 12 taon ang kabuuan ng basic education.

Ayon ito kay Education Secretary Armin Luistro na sa ilalim ng isinusulong na programa, hindi lang basta daragdagan ng tig-isang taon ang elementarya at hayskul, kundi rerebisahin ang buong kurikulum, kung saan kahit hayskul lang ang natapos ng isnag estudyante, puwede na itong makakuha ng trabaho.

Ani Luistro, masyadong naka-pokus ang sa akademiko ang kasalukuyang kurikulum. Sa bagong kurikulum, posibleng magkaroon ng mga subject o specialized school para sa ibang talento ng mga bata tulad ng arts, information technology, animation, farming, entrepreneurship at sports.

Bagama’t unang balangkas at draft pa lang ng isusulong na bagong kurikulum at nilinaw ng DepEd na hindi agad ito ipatutupad, umani na ito ng magkaibang reaksiyon mula sa Senado.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III, sa halip na dagdagan ng dalawang taon ang basic duction, ipokus na lamang ng pamahalaan ang pagpapalakas sa early childhood education program, tulad ng nursery at kindergarten.
Sinabi naman ni Senate President Juan Ponce Enrile na kailangan ito ng pamahalaan upang lalong mapaunlad ang kalidad ng sistema ng edukasyon upang makasabay ang Pilipino sa global standards.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Elementarya at Hayskul, GAGAWING 12 TAON

  1. If they do that, with how poor our public schools are now, lalong walang matutunan ang mga bata roon at lalong walang makaka-pag college. What they should be concerned about and improve, is improve the public education systems: more budget for it to improve the school, increase salaries of teachers and make the children’s lives fruitful. Kapag ginawa nilang 1-12 iyan, kawawa ang mahihirap sila ang talo rito ang makikinabang lang ang mga nasa private schools at mga may means to send their children to a private school. Bigyan ng pansin at halaga ang system ngayon hind dagdag grade ang kailangan! Kaya hindi nakakasabay tayo dahil pangit ang public school natin at pinabayaan na. Noong unang panahon, PUBLIC schools are the best,ngayon wala na.

  2. ibig sabihin gagayahin nila ‘yung curriculum ng america na grades 1-12. meaning elementary/grade school will be grades 1-5, middle school is 6-8 and upper school/high school from grades 9-12. hindi pa kasama diyan ang lower school na beginning school, preschool/pre-k, jr-k, kindergarten.

    i agree na dapat palakasin ang early childhood education kasi doon talaga nagsisimula ang learning foundation ng mga bata…good luck!

Leave a Reply

Your email address will not be published.