Eleksyon, Naging Mapayapa – PNP

NAGING MAPAYAPA sa pangkalahatan ang takbo ng eleksyon ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP spokesperson Generoso Cerbo na nitong base ito sa pagtaya ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima alas-7:30 Lunes ng gabi matapos magsara ang mga presinto

Ilan sa mga lalawigan na may naitalang insidente ng karahasan ang Cavite, Santiago sa Isabela, Sulu, Cagayan Valley at Quiapo, Maynila na may pamamaril.

Nagkaroon naman ng pagsabog sa Cotobato, Maguindanao at Tawi-Tawi.

Agad din namang inaksyunan ang mga report ng vote buying sa Iloilo, Cebu, South Cotabato, Agusan del Sur at Dipolog.

Samantala, tiniyak din ni Cerbo na patuloy na ilalatag ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad hanggang sa matapos ang buong proseso ng botohan lalo na ngayong bilangan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.