Electronics Industry, Palalakasin ng DOST

BINANGGIT NI Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo ang pagpapalakas sa sector ng electronics at ang pag-level up buhat sa assembly, production at design sa pamamagitan ng Electronics Products Development Center sa nakaraang stakeholders summit na pinangunahan ng DOST-NCR kamakailan.

Ayon sa kalihim, isa sa pinakamahalagang export ng ating bansa ang electronics at ang pagpapalakas nito ay magdudulot, ‘di lang ng maraming trabaho sa ating mga kababayan kundi pati ng karagdagang dunong sa mga Pinoy sa pamamagitan ng kakayahang lumikha ng mga bagong produkto at disenyo.

Napag-alamang may mga lokal na manufacturer na matagal nang gumagawa sa hanay ng assembly at production. Ang mga disenyong ginagamit nila ay buhat pa sa ibayong dagat at ang produkto ay galing din sa labas na malimit ibinabalik sa bansa upang tayo rin ang gumamit.

Ang EPDC ay magkatuwang na proyekto ng Advanced Science and Technology Institute (ASTI), Metals Industry Research and Development Center (MIRDC), at pinondohan ng Philippine Council for Industry Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD).

Ang nakaraang stakeholders summit ay pinangunahan ng DOST-NCR sa pangunguna ng kanilang Director Dr. Teresita Fortuna upang maengganyo ang mga entrepreneur na magnegosyo sa NCR sa tulong ng DOST at mga sangay nito at nang maging competitive sa pandaigdigang pamilihan.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.