Electrician, Sugatan sa Sinitang mga Umiihi

SUGATAN ANG ISANG electrician matapos bugbugin at barilin ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek na nagpakilalang mga pulis nang sitahin ang mga huli dahil sa pag-ihi sa tapat ng barracks ng una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga bugbog sa katawan at tama ng bala sa kaliwang paa si Jamier Janohan, 41 ng Dalahican, Cavite City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, nagbabaan ang mga suspek sa Honda City (NDW-654) at nagsiihi sa tapat ng barracks ng biktima sa San Roque, Camarin ng lungsod.

Lumapit ang biktima at sinita ang mga suspek na ikinairita ng mga huli at isa ang sumampal sa biktima bago nagpakilalang pulis.

Pinagtulungan bugbugin ng mga suspek ang biktima at isa ang nagbunot ng baril bago pinutukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng nasabing kotse habang dinala naman ang biktima sa JRH.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.