Electrician, Dedbol sa Kuryente

PATAY ANG isang electrician matapos makuryente habang nagtatrabaho sa isang kisame ng isang ginagawang mall sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Edwin Jamoros at umano’y night shift duty electrician sa naturang ginagawang mall.

Base sa salaysay ng mga kasama nito sa trabaho na ilang araw na nilang pinaghahanap ang biktima at nagulantang na lamang sila nang makita itong patay na.

Sa ngayon, nadagdagan na naman ang bi-lang ng trabahanteng namatay sa kontrobersyal na Centrio Mall na under construction.

Samantala, pinaniniwalaan na noong nakaraang araw pa namatay ang biktima at kahapon lamang nadiskubre ng kanyang mga kasamahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.