Election Sabotage Case Hearing ni CGMA, Ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN NG Pasay City Regional Trial Court (RTC) para sa buwan ng Marso ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ni da-

ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakatakda kahapon.

Nabatid na hindi makahaharap ang unang witness ng Commission on Elections (Comelec) sa kasong electoral sabotage dahil sa ilang rason.

Maliban dito, sinabi ni Pasay RTC Branch 112 spokesperson Felda Domingo na pinagbigyan ni Judge Jesus Mupas ang hiling ni Assistant City Prosecutor Orlando Mariano na ipagpaliban ang pagdinig dahil sa dadaluhan nitong mandatory continuing legal education.

Samantala, ihaharap sana ng Comelec si Susan Cabanban na election officer ng Maguindanao noong 2007 elections, upang ilahad ang paunang ebidensiya na nagkaroon ng manipulasyon sa resulta ng senatorial election pabor sa Team Unity o partidong pinamumunuan ni Ginang Arroyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.