Election-related ngo office, nasunog

 

KASABAY NG PAGLUSOT sa Senado ng panukalang magpapaliban sa August 8 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) noong Lunes ng gabi, nasunog ang headquarters ng isang election-related non-government organization (NGO) sa Cotabato City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-9 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa tanggapan ng Office of Citizens CARE (Citizens Coalition for ARMM Electoral Reforms, Inc.) sa 5th floor ng Cotabato Yu Ekey Marketing Building, bagaman matindi ang pag-ulan sa lugar.

Ilang minuto lamang ang itinagal ng sunog at agad ding itong naapula na hindi na nadamay ang ilang pang-gobyernong tanggapan gaya ng Bureau of Treasury at Japan International Cooperation Agency.

Ayon kay Cotabato City Fire Marshal Supt. Adama Guiamad, nagsimula ang sunog sa storage room ng tanggapan.

“Pinasok namin yung opisina, at sobrang kapal ng usok, at du’n na nga sa isang bodega du’n nakita ang apoy at usok, du’n nagsimula,”  ayon kay Guiamad.

Bagaman malakas ang paniniwala na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog, magsasagawa pa rin ng malalimang imbestigasyon ang otoridad hinggil sa naturang sunog. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.