Election Protests ng mga Talunang Kandidato, Haharapin na ng Comelec

SISIMULAN NA ngayong linggo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa mga inihaing election protests nang mga talunang kandidato sa nakaraang May 13 midterm elections.

Sinabi ni Comelec commisioner Lucenito Tagle na mayroon nang 59 mga kaso ang nakabinbin sa kanila, bagama’t inaasahan umano nilang madadagdagan pa ito.

Tinukoy din ng opisyal na karamihan sa mga kaso ay mula sa mga local candidates.

Kabilang aniya rito ang kasong isinampa ng aktor at congressional candidate na si Aga Muhlach laban kay representative-elect Wimpy Fuentebella para sa 4th district ng Camarines Sur.

Ayon kay Tagle, sa June 6 ay sisimulan na ang pagresolba sa nasabing mga election-related protests.

Napag-alaman na noong 2010, halos nasa 100 electoral protests ang natanggap ng pollbody, kabilang ang mga petitions for annulment of proclamations.

Samantala, sa panig ni Comelec-Electoral Contests Adjudication Department director Betty Pizana, sinabi ng opisyal na kanilang inaasahan na gagawing isyu ng mga kandidato sa paghahain ng protesta ang mga naiulat na “glitches” ng precinct count optical scan (PCOS) machine.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.