Election Period, Pinaaga ng Comelec

AYON KAY Atty. James Jimenez, spokesman ng Comelec, gagawin nang mas maaga ng Commission of Elections (Comelec) ang election period na magsisimula na sa Enero 13 hanggang Hunyo 12, 2013.

Aniya, para ma-bigyan ang Comelec ng sapat na panahon upang maghanda at matiyak ang maayos na eleksyon sa bansa. Ayaw nang umanong maulit ng Comelec ang aberya sa May 2010 elections kung saan kinapos sila ng oras at nahirapan ipatupad ang elections laws.

Dagdag pa ni Atty. Jimenez, na kasabay ng election period ang pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa.

Pebrero 12, 2013, magsisimula ang campaign period para sa mga tatakbo bilang national candidate at Marso 29,2013 naman para sa mga lokal na kandidato. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.