Election Pay ng mga Titser, Enero pa Nailabas

SINABI NG Palasyo na wala na sa kanilang kamay ang pondo para sa mga honorarium ng mga titser nagsilbi noong eleksyon.

Maaalala na ilang grupo ng mga guro ang nagre-reklamo dahil hindi pa raw nila nakukuha ang nararapat na kabayaran sa natu-rang serbisyo.

Ayon kay Deputy

Presidential Spokesperson Abigail Valte, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na nila noon pang nakaraang Enero ang buong pondo para sa mga titser.

Sinabi ni Valte na nakapaloob daw ito sa kabuuang P960 million na inilabas sa Comelec bilang bahagi ng preparasyon at pagsasagawa ng halalan.

Samantala, inihayag rin ni Valte na dapat Department of Education (DepEd) o Comelec ang kalampagin ng mga militanteng guro.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.