Election Gun Ban, Simula Na

PINANGUNAHAN NI Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes ang magdamagang paglilibot sa mga itinalagang checkpoint sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Katuwang ng poll body ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Pangunahing tinutukan ng opisyal kung nasusunod nang maayos ang mga patakaran ng komisyon ukol sa checkpoint at maging sa election gun ban.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng signboard na may sukat na three feet by four feet (3’x4’) para madaling makita ng mga motorista mula sa tamang distansya.

Kailangan ding nakalagay ang mga katagang: STOP, COMELEC CHECKPOINT. Please bear with us. Thank you for your cooperation.

Pati na ang pa-ngalan at tanggapan ng election officer at pangalan ng commanding officer/team leader mula sa PNP o AFP.

Samantala, obligado rin na maliwanag ang lugar upang malaman ng publiko na ito ay isang lehitimong Comelec checkpoint.

Sa karapatan naman ng mga sumasai-lalim sa checkpoint ay sinabi ni Brillantes na tanging basic inspection lamang ang maaaring gawin ng mga pulis at sundalo.

Hindi umano obligado ang mga sakay ng isang behikulo na bumaba o buksan ang mga compartment ng sasakyan maliban na kung may malaking pa-ngangailangan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.