Ejay Falcon: Walang tikas ang pakpak!

TULAD NG IBA pang Pinoy Big Brother housemates, hindi na rin napigilan si Ejay Falcon na sumabak sa pag-aartista bilang isa sa mga makikisig na leading man ng panghapong teleserye na Katorse. Napabalita noon na napahiya ang nasabing aktor nang masabihan siyang ‘ham actor’ ng isang reporter sa press conference ng nasabing palabas.

Natural lang naman na batuhin ng ganyang klaseng mga salita si Ejay tungkol sa pagiging bano niya sa pag-arte dahil baguhan lang naman siya at wala pang karanasan sa industriya ng showbiz. Napansin din ito ng kanyang mga beteranong katrabaho kaya imbes na balewalain ng aktor ang mga nasabing komento, nag-udyok pa iyon para siya ay matuto, magpokus at higit na pag-ighan ang kanyang talento sa pamamagitan ng mga acting workshops.  Hanggang sa mabigyan nga siya ng break kasama ang iba pang mga batang artista na sina Erich Gonzales, Enchong Dee at Xian Lim.

Misteryo para sa akin kung paanong patuloy na tumataas ang ratings ng Katorse sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga malalabsa at malalatang artista. Bilib lang talaga ako sa pasensiya ng Pinoy sa kung paano nila pinagtiyatiyagaan ang mga magaganda at guwapo kahit hindi naman marurunong umarte.

Napanood ko naman ang nasabing serye at talaga namang taas-kamay ako sa ganda at bilis ng itinatakbo ng bali-baliko nitong kuwento. Sa katunayan, napakaganda ng role ni Ejay sa Katorse, barumbadong spoiled brat, bidang-kontrabida. Kailangan ng matinding emosyon ang nasabing role na ‘Gabby’ kaya makikita talaga ng manonood kung tama ang ginagawa niya.

Kung tutuusin napakalaki ng pagbabago ni Ejay dahil tahimik at mahiyain siya noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya sa PBB. Nakikita ko na nahihirapan siyang magbato ng linya kasi galing siya sa probinsiya pero bata pa naman siya at marami pang pagkakataon para matuto at mahasa ang talento. Mapapatawad ko pa si Ejay dahil meron ngang iba diyan, ang tagal nang umaarte pero ang bobo pa rin at ang masama pa riyan, wala silang ginagawa para gumaling sa pag-arte.

Nakikita ko naman na pinag-iigi mo. Kaya ikaw, Ejay, para hindi ka matabunan ni Enchong, ayusin mo.

By Chiksilog

loading...

2 thoughts on “Ejay Falcon: Walang tikas ang pakpak!

  1. si ejay at sarah g. ang bagay na loveteam kasi sa pbb pa lang crush na niya si sarah…..si sarah looks good with ejay try ng abscbn…

Leave a Reply

Your email address will not be published.