Ejay Falcon, tinakasan ang nabuntis sa probinsiya?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! HABANG tinitipa ko ang column na ito, nakatanggap ako ng isang tawag galing sa isang unknown number, kung saan babae ang tumatawag, at hindi ito nagpakilala.

Habang pinakikinggan ko ang boses ng hitad, halata sa boses nito na imbiyerna ito sa baguhang aktor na si Ejay Falcon. Habang nakikinig lang ako sa kanya, ayon sa tumatawag, idedemanda raw niya ang guwapong aktor, dahil iniwanan daw siya ng aktor matapos na mabuntis. Huh?! Kalerke talaga!

Kaya raw umiiwas si Ejay at hindi ito nagpapakita sa kanya. Ni tumawag ay hindi na raw ito nagpaparamdam, at hindi na nga raw umuuwi sa kanilang lugar sa Mindoro, kung saan taga-roon din daw ang nabuntis nitong babae. At handa raw itong maglabas ng ebidensiya. Kaloka, ha?!

Bigla na lang naputol ang aming usapan kaya tinext ko agad ang manager ni Ejay na si Benjie Olipio tungkol sa itinawag sa akin ng isang unknown caller. Naku, ha?! Nakakaloka! Pa’no kaya nalaman ng hitad na ‘yun ang number ko? ‘Yun na!

MUKHANG PINATATAOB ANG ratings ng Darna ni Marian Rivera at hindi na ito nagiging consistent sa palaging mataas na ratings. Dahil unti-unti ay pababa nang pababa ang nakukuha nitong ratings.

Pinataob na kasi ng The Last Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang rating ng Darna ni Marian, kung saan pangalawa na lang ito. Dahil daw kasi ito sa istorya ng Darna na napakalabo, at hindi mo maintindihan kahit ang aking chikiting ay wa nood na rin. Hehehe! Dahil din sa mga character na pinatay at nabuhay pa. Nakakaloka, huh!

Bukod diyan, apektado rin daw ang serye dahil sa hindi magandang imahe na lumalabas sa bida nito na si Marian, na kesyo hindi na ito nagpapainterbyu sa mga reporter at umiiwas na ito.

Kung ano ‘yung ibinato sa kanya noon ay tila hindi ito nawawala sa katauhan niya. Lalo na ngayon, hindi na rin daw sila nagkakaintindihan ng manager nito, huh! ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz everyday 8-9 A.M. at sa dzrh 666 khz every Sunday. At makikita n’yo rin ang beauty ko sa inyong telebisyon sa rhtv from 2:30-3:30 P.M. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

13 thoughts on “Ejay Falcon, tinakasan ang nabuntis sa probinsiya?! – Tita Swarding

  1. ano kb swarding? kabayo o kutsero….letche ka mag research ka nga…puros mga anak mo lang yta mga ghost writer mo…hayop ka…wala kang credibility…sa dyaryo ka ng tinapa magsulat..kakahiya ka..kaya ndi umaasenso showbiz natin dahil sa tulad mo….sagot!!!!!!! kabayo ka o kutsero…..!!!!!!!!!!????????

    • May anak si Tita Swarding? Ibig sabihin tumikim siya ng p**e? Ew, kadiri naman ‘yan!

  2. Kim Chiu is the new superstar of television and movies
    of 2010 and years to come. I believe her closest rival
    is Erich Gonzales. Biglang tumaas ang popularity ni
    Erich at humahabol kay Kim sa popularity. It will be
    Kim versus Erich, Kim-Gerald loveteam versus Erich-
    Enchong loveteam in 2010’s. The other loveteams like
    Marian-Dingdong, Kris-Aljur etc. ay nasa background
    lang. Patapos na rin ang Bea-John Lloyd tandem at
    iba pang sikat na loveteam of 2000’s.

    • ano bang pinagsasabi nito. hula ba ito, madam auring, ayaw ko ng buto, yaw ko ng bading, at ayaw ko ng nangbabading

  3. Why ang pinapakita nyong ratings eh Mega-Manila. Dapat nationwide o buong pilipinas hindi Metro Manila.

    Think about it. Kung mataas ba ang boto ng isang Presidentiable sa Mega-Manila pwede na ba syang i-proclaim na nanalong Presindete? paki sagot lang po.

    Kung matalino ka alam mo sagot dyan or pwde din na hindi nyo ma-accept ung katotohanan. 20% lang sa population ng Pilipinas ang Mega-Manila.

    As far as nationwide ratings. Naglalaban for Number 6 and 7 for Top 10 sa Primetime ang Darna at last Prince.

    • ‘Wag mo na ngang sige kumpara ang TV ratings sa election, bobo! Imperial Mega Manila accounts for 70% of the country’s spending power. Natural du’n magko-concentrate ang mga advertisers.

  4. It seems palaos na si Marian Rivera. Sa success nang
    Paano Na Kaya sa takilya, si Kim Chiu na ang tunay
    na superstar dahil napatunayan ni Kim na hindi lang
    sa Television ang kanyang popularity, maski sa
    pelikula, box-office star siya. Kaya kumita nang husto
    ang I Love You Goodbye dahil kay Kim, without Kim sa
    I love You Goodbye, it will not be a huge box-office
    hit. Si Marian mataas ang rating sa television pero
    pag dating sa pelikula hindi hit sa takilya.

  5. oo nga sabi mo e tita!

    Jan. 26 AGB Ratings: Ikaw19/Yaman 20.3; Oras 30.3/TV 26.9; Darna 35.2/MBP 29.7; TLP 30.7/Kung 31.5; Full 26.6/PBB 29.7; Queen 21/BOF 18.1
    Jan. 22 AGB Ratings: Ikaw19.2/Yaman 18.7; 24 27.4/TV 27.2; Darna 30.6/MBP 28.9; TLP 29.6/Kung 29.3; Full 27.8/PBB28.3; Queen 23.9/BOF 21.5
    Jan. 21 AGB Ratings: Ikaw19.2/Yaman 19.6; 24 29.9/TV 25.5; Darna 33.2/MBP 28.3; TLP 29.1/Kung 30.2; Full 26.5/PBB 28.5; Queen 21.9/BOF 20.6

    nagpapasahan ba kayo ng kodigo ni joey, alex at ikaw tita? paulit ulit ang sinusulat niyo sa column niyo dito? yun na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.