Ejay Falcon, promding-promdi pa rin!

MORE CHIKKAHAN na naman tayo. It’s me again, dahil ako na naman ang chismosa ng kapit bahay n’yo. S’yempre, fresh na fresh na naman ang chikka ko ngayon.

Kaya naman nu’ng makita ko ang Dugong Buhay star na si Ejay Falcon, super nakatitindig-balahibo. In fairness naman kay Ejay, siya pala ‘yung tipo ng tao na sobrang tahimik lang at nabigyan din ako ng pagkakataon na interbyuhin siya sa mga nakaraang ka-loveteam niya like Empress. Okay naman daw sila noon as loveteam, pero ‘di raw dumating sa point na niligawan niya, kasi sobrang taas ng respeto niya kay Empress.

At sa mga leading lady naman niya ngayon sa Dugong Buhay, hindi raw talaga ‘yun ang mapapansin n’yo sa serye, dahil more on actions sila, and as of now ay wala raw muna.

Next Question ko naman ay kay Queenie Padilla. Nang tanungin ko naman siya about du’n, heto naman ang sagot niya: sobrang bait daw na tao ni Queenie, kahit ‘yung manager niyang si Benjie Alipio, ‘yun din ang sinabi.

Pero heto pa ang isang mas nakakalokang eksena na totoo palang paguran ang eksena niya ngayon sa serye niya dahil sobrang puyatan sila. At take note, sa Caloocan pa sila nagte-taping, at after taping ay may mga appointment pa siyang pinuntahan like meetings. One time, nakipag-meeting siya sa bago niyang ini-endorse ngayon na mobile android phone na CKK wala pa siyang tulog that time pero good mood naman siya n’un na kahit buong staff ay nagpa-picture sa kanya. Dumating pa sa point na one by one, isa isa talaga, ay nakangiti pa rin siya na hindi halata sa kanya na walang halong kaplastikan.

Nang tanungin ko ang mga big ooss ng CKK kung bakit si Ejay Falcon ang napili nila? Pang masa raw ang dating ni Ejay at  nanggaling nga naman talaga sa hirap. At ang isa pa du’n, hindi nga raw mahirap kausap si Ejay. In fairness naman sa kanila para sa aking comment for that day.

True nga talaga lalo na ‘pag nakita n’yo in person ay wala talagang luho sa katawan. Napakasimpleng tao kaya lang parang napansin ko na dala pa rin niya ang pagiging probinsyano niya. Kaya ko naman na-say ‘yan, dahil pagbukas namin ng sasakyan niya, gusto niya sa tinutulugan niya ay may nalatag na banig sa sasakyan niya. ‘Di nga raw siya makatulog nang walang banig.

At ang pagbabago nga naman sa buhay niya ngayon ay lumakas na ang self-confidence niya na ‘di kagaya ng dati mahina lalo na pag dating sa intriga!

Pak na pak talaga si Ejay Falcon ngayon kaya abangan na lang natin ang presscon niya at mga billboard niya sa shoot niya para sa CKK mobile gadgets.

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

loading...

2 thoughts on “Ejay Falcon, promding-promdi pa rin!

Leave a Reply

Your email address will not be published.