Ejay Falcon, pinangatawanan na ang pagpapa-sexy sa TV

Ejay-FalconPANGANGATAWANAN NA rin ni Ejay Falcon ang pagpapaseksi sa telebisyon kaya kinakarir niya ang pagdyi-gym at pagpapaganda ng katawan. Gusto rin niyang makipagsabayan sa ibang hunk actors ng ABS-CBN dahil feeling niya, kaya niya naman itong gawin.

“Summer din kasi kaya okey lang naman siguro ‘yung mga hubad-hubad na photos na pino-post ko Instagram at Facebook account ko. Saka kailangan ko ring gawin ‘yon dahil seksi rin ang role ko sa Pasion de Amor,” sey ni Ejay sa aming phone conversation.

“Masarap magpaganda ng katawan tapos iba ‘yung pakiramdam ‘pag nakita mo na ang laki nang in-improve mo, ng muscles mo’ at ng itsura mo. Parang you will love yourself more. Hahaha!” reaksyon pa niya.

Handa rin daw si Ejay tumanggap ng daring roles sa pelikula na katulad ng ginagawa ng iba basta maganda ang script at kailangan sa eksena.

“Depende rin sa script ‘yon, eh. Pero kung maganda talaga, why not, ‘di ba?” saad pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAljur Abrenica, in love na naman?
Next articleManny Pacquiao, ‘wag nang mag-ambisyon sa pagka-senador

No posts to display