Ejay Falcon, pinainom ng suka para makaarte nang tama – Ogie Alcasid

ME NAG-E-MAIL Sa amin, si Candy Cruz (candycruz2000@yahoo.com).

Tsika niya:  “Hi ogie! Gusto ko lang i-share sa ‘yo ito na na-witness ko talaga. Kasi sa place namin nagte-taping ang Katorse. ‘Yung isa sa lead actors du’n, si Ejay Falcon, sobrang hindi pala marunong umarte dahil paulit-ulit na ‘yung scene, hindi niya makuha.  As in 30 takes na yata.

“Ang eksena, sasabihan niya si Enchong Dee ng congratulations, pero dapat daw ay medyo bitter ang pagkasabi, ‘yun ang instructions ng director.

“Paulit-ulit ‘yung take, grabe, napakabobo umarte nitong si Ejay, hindi niya makuha ‘yung simpleng instructions at nangangawit na lahat.

“Siguro sa sobrang dami na ng takes, sa sobra sigurong inis ng director, pinakuha ng suka ‘yung assistant niya, tapos, sabi, “painumin nga ng suka ‘yan para makaarte nang tama.”

“Ayun, pinainom nga ng suka, at nu’ng nakainom na, nai-deliver niya na  ‘yung hinihingi sa eksena. Nagtataka tuloy ako kumbakit ginawang leading man agad ‘yun,  eh, hindi naman pala marunong umarte.  Dapat ang role niya, best friend muna or sidekick para nahasa muna bago isinabak sa leading man status. ‘Yun lang!”

IN-E-MAIL LANG ITO.  Hindi namin alam kung ito’y totoo o gawa-gawa lamang ng detractors ni Ejay.  Alam naming ang dami nang kuwento ng mga “kapalpakan” sa eksena ni Ejay, pero in fairness, kumpara noon, medyo nag-improve naman ang lolo n’yo ngayon.

Pero kung ito man ay totoong nangyari, ‘wag sanang ma-hurt si Ejay, bagkus ma-challenge pa siya nang bonggang-bongga para lalo pa siyang humusay.

Ang pangit ‘pag kinabitan ka na ng stigma ng pagiging “ham actor.”

Ayaw ni C.A. nang ganyang title.

PINALITAN NA BILANG bida ng  Tinik Sa Dibdib si Sunshine Dizon, dahil nade-delay at nagkakawindang-windang daw ang taping, dahil sa kanyang pagiging masasakitin at kung anu-anong alibi na dumating pa sa puntong nag-aaway na sila ng madir niyang si Dorothy Laforteza.

Nu’ng Tuesday night ay nakita pa namin siya sa 17th Avenue Bar sa North Walk sa San Fernando, Pampanga.  Nandu’n kami, dahil malapit lang du’n ang taping ng May Bukas Pa.

Si Sunshine, sabi niya, nandu’n daw siya, dahil gusto niya munang magbakasyon, masyado raw kasi siyang napagod sa kasasagot ng intriga at maging sila raw ng ina niya ay pinag-aaway when in fact, alam pa ng nanay niya kung nasaan siya nang sandaling ‘yon.

“Sila ‘yung mga totoo kong kaibigan.  Sabi ko sa mommy ko, dito muna ‘ko pansamantala para makapagpahinga ako.  Anuman ang nangyari sa Tinik Sa Dibdib, no regrets ako.  Talagang ganyan, eh.

“Napagod na rin kasi ako sa kate-teyping ng 40 sequences everyday.  Kung minsan, sumusuko na ‘ko, kaso, kailangang tapusin, eh.  I’m working for 20 hours, eh, parang hindi na tama.

“Saka ko na naman lahat, eh.  Hindi naman sa pag-aano, na-reach ko na ang gusto kong marating.  Siguro, bumigay na lang ang katawan ko.  And right now, I’m here with my real friends na sobrang ine-enjoy ko.”

Buntis ba siya?

“No, I’m not.  I don’t need to explain!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Ejay Falcon, pinainom ng suka para makaarte nang tama – Ogie Alcasid

  1. sa tingin ko ok ang acting nya..ngagawa nya ng maayos ung eksena…un nmn ung importante kung ano ang mpapanood mo…go ejay…

  2. Isa rin ako sa nagulat kung bakit naging leading men agad si ejay kasi alam ko since umpisa pa lang hindi talaga xa marunong umarte pero mula ng mapanood ko xa sa katorse ang galing na nya! awesome!!!!! bilib ako ngaun. kahit ilan takes man abutin nyan sa eksena atleast at the end maganda pa rin naging resulta!

  3. hindi ba ganyan din ang isa sa mga naging problema ni Angel sa GMA masyadong stress at pagod hintayin nyo ganyan din si Marian later on. Ang Gma kasi basta nagustuhan na ng mga fans at nagkaruon na ng fans at medyo sumikat na. Sasagarin ka takaga ng GMA ipapasak ka sa lahat kiber kung mamatay ka sa pagod ang importante ay kumita sila. i over used ka for their sake at kumita sila. Saan ba sila nakaranas ng mataas na Rating di ba kay Angel at kay Angel din sila nakakamal ng milyon at ganun din ang ginagawa kay Marian. Kaya habang maaga pa Marian mag isip isip ka na. Love ka ngayon ng Gma dahil may malaking kita sa yo at samantalahin mo habang bitter pa rin sila kay Angel. MOVE ON

  4. Mapanuri ako sa mga baguhan na may ibubuga sa akting, isa si Ejay na sa tingin ko ay may mararating. Another Cezar Montano in the making. Bakit??? Naiiba ang kanyang boses kahit nakatalikod ka alam mong si Ejay ang nagsasalita. Ang mga delivery ng kanyang dialogue, style Robin Padilla ang dating. Hindi siya super pogi, maraming babagay na role sa kanya. Sa mga young actors and actresses sa katorse si Ejay ang sa tingin ko ang pinakamagaling, isa siya sa dahilan kung bakit umiikot at kapana-panabik ang istorya ng katorse. Another + factor kay Ejay ay ang mga mata niya. Mata pa lang arte na.

  5. nung nasa pilipinas pa ako, paextra-extra ka lang, ngayon mukhang you have reached your goal. congratulations oggie, at napapanuod din kita sa MBP at UKG sa TFC. Malayo na rin ang narating mo anak at gusto ko ang way of reporting mo. Huwag kang maninira para marami kang kaibigan. More power to you. Akalain ko bang si Arlene Muhlach pa ang wife mo sa MBP, medyo amused ako duon but I like it. God bless you dong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.