Ejay Falcon, nilalamon nang buong-buo ni Jake Cuenca

Ejay Falcon, nilalamon nang buong-buo ni Jake CuencaJake Cuenca is a very intense actor. Maraming beses niya itong pinatunayan sa mga eksena sa late afternoon hit series na “Pasion de Amor” ng ABS-CBN. Ito rin ang naobserbahan ng co-stars niyang sina Ejay Falcon at Joseph Marco na gumaganap bilang Samonte brothers.

Ayon kay Ejay Falcon, matindi talagang umakting si Jake at pinipilit niyang tapatan ito. May pagkakataon din daw na gusto niyang lampasan o kabugin ang husay ni Jake, pero hindi niya ito kinakaya.

“Ibang klase si Jake Cuenca. Sobrang intense talaga ng acting niya at mahirap lagpasan!” pag-amin ng aktor.

Idinagdag din ni Ejay na marami siyang natutunan kay Jake. Hindi rin daw ito madamot sa mga eksena.

“Kaya lang, dapat ready ka kapag may eksena kayo, kasi baka lamunin ka niya nang buong-buo,” sey pa niya.

Sa Feb. 26 na matatapos ang “Pasion de Amor” na pinagbibidahan din ng mga sexy stars na sina Coleen Garcia, Ellen Adarna, at Arci Muñoz. Sina Teresa Loyzaga naman at Wendell Ramos ang pangunahing kontrabida sa teleserye.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

4 thoughts on “Ejay Falcon, nilalamon nang buong-buo ni Jake Cuenca

  1. yan ang mali ni jake hahahahha mas magandang umarte ang dalawa ejay at marco over na masyado si jake tryinghard kong baga

Leave a Reply

Your email address will not be published.