Ejay Falcon, itinanggi ni Valerie Weigmann

READY NA muli si Rufa Mae Quinto sa pagbabalik pelikula bilang Ang Huling Henya!

Ibang-ibang Rufa Mae na raw ang mapapanood natin dito, dahil this time ay isang serious at dramatic actress daw ang peg ng komedyana rito na ipinagmamalaki din ng kanyang direktor na si Marlon Rivera na nag-direk ng 100 ni Mylene Dizon at Ang Babae sa Septic Tank ni Eugene Domingo.

Kung tutuusin ay kaya nang mag-produce ni Peachy (palayaw ng aktres) ng sarili n’yang pelikula anytime, pero naghintay raw s’ya ng tamang materyal na kakaiba sa Booba mula kay Direk Marlon at ng tamang panahon din. Kaya nagpapasalamat din s’ya kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films na nagtiwala muli na ipag-produce s’ya ng solo movie.

Maging ang mga kasama ni Rufa Mae sa Henya na sina Candy Pangilinan, Fabio Ide, Valerie Weigmann, DJ Durano at Cherie Gil ay nagulat sa kakaibang acting na ipinakita n’ya rito.

Si Valerie pala ang nakasama ni Ejay Falcon noon sa Pinoy Big Brother Plus kung saan naging close sila, pero hindi naman daw naging sila, ayon sa young actress at model na Fil-German.

Masaya raw si Valerie sa takbo ngayon ng career ni Ejay kahit wala na raw silang communication.

Minsan daw ay napapanood n’ya ang teleserye ng aktor at nagulat daw s’ya, dahil ang laki na raw ng ipinagbago ng itsura nito at sa pag-arte.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

3 thoughts on “Ejay Falcon, itinanggi ni Valerie Weigmann

Leave a Reply

Your email address will not be published.