Ejay Falcon, enjoy sa Boracay kasama ang kalalakihan!

MARAMI ANG NAGTAAS ng kilay kay Ejay Falcon dahil enjoy na enjoy raw ito sa Boracay, kung saan ang kasama ay puro kalalakihan. Ayon sa aming source, nag-check-in daw ang aktor sa Discovery Shore, na isa sa pinakamahal na hotel sa Boracay.

“’Day, obvious na obvious na nagkukulay-green ang dugo niya roon, ‘noh! Naku, nakakaloka siya!” Tumatawang sabi ng aming mahaderang spy na nagsabi pa rin na tinangka nilang kausapin ang aktor subalit tumanggi itong magbigay komento. Sa halip, mas ginusto niyang “mag-enjoy” kasama ang kalalakihan.

Samantala, nakita rin ng ating spy si Iwa Moto sa Boracay, subalit hindi rin ito nagpa-interbyu, kung saan kasama niya ang non-showbiz boyfriend. Hindi na namin siya pinilit na kausapin dahil una at higit sa lahat ay hindi naman siya kasikatan, ‘noh!

Bukod kay Ejay Falcon at Iwa Moto, ang buong pamilya ni Sen. Bong Revilla ang namataan ng ating spy sa Boracay. Yearly nilang ginagawa ang magpunta sa Boracay at ang ganda nilang tingnan dahil noong Good Friday, sama-sama ang buo nilang pamilya na nagsiba sa church ng Boracay mismo.

Walang masyadong artista this year sa Boracay, unlike last year na talagang gumawa ng eksena sina Rochelle Pangilinan kasama ang Sex Bomb dancers at si Ethel Booba.

“Matamlay ang artista sa Boracay, sayang lang ang effort at pinamasahe namin,” tili ng isa naming kaibigan na matiyagang naghintay ng mga kaganapan sa Boracay na ang ending ay wala silang napala maliban sa nasunog ang kanilang balat. Ha-ha-ha!

WALANG BALAK HUMINGI ng paumanhin si Cristy Fermin sa mga bombang pinasabog niya laban kay Kris Aquino dahil una at higit sa lahat, hindi naman daw siya ang nagsimula ng gulo. Kung anuman daw ang mga binitiwan niyang salitang sa programang Juicy kamakailan, katotohanang lahat iyon, walang bawas at walang kulang.

Tungkol naman sa sinasabing “tampo” niya sa dati niyang bestfriend na si Boy Abunda, sinabi ni Ate Cristy na naging totoo lang daw siya sa kanyang sarili at hindi siya nagpapakontrobersiyal tulad ng akusasyon ng marami.

“Alam mo anak, hindi ko na kailangang magpakakontrobersiyal pa, dahil alam na naman ng buong bayan ang pagkatao ni Kris,” pahayag pa ni Ate Cristy.

Sa kabilang banda, binigyang-linaw rin ni Ate Cristy ang balitang siya ang dahilan ng posibleng pag-alis ni Alex Gonzaga sa Juicy.

“Hindi totoo iyan anak, dahil kung nanonood kayo ng Juicy ay mapapanood naman ninyo sina Alex at IC (Mendoza) sa kanilang programa. Wala akong inaagaw. Kumbaga ay isinahog lang ako ng channel 5 sa dati nang programa nila,” pakumbabang sabi pa ni Ate Cristy habang kausap namin siya sa programa namin sa DZRH noong Linggo.

Sa muling pagharap ni Ate Cristy sa telebisyon, sinabi niyang mas magiging maganda ang mga programa nila nina Boy Abunda, kung sila-sila ang maghaharap at magsasagupaan sa tsika.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

21 thoughts on “Ejay Falcon, enjoy sa Boracay kasama ang kalalakihan!

  1. hindi nakakakain yang bastos ang bungangang cristy fermin na yan kung wala xiang masiraan na tao..as in kawawa tlaga buhay nia..super inggit xla kay kria kac queen of all media c kris at super totoo at prangaka…hindi yang cristy f. na yan na puro kacnungalingan lang…hahaha! buti nga nakik out ka sa abs cbn at sana pati jn sa pobreng tv-5 na yan..loser kristy fermin baboy!

  2. queen of talk,queen of billboard and magazines, queen of endorsement, box office queen, horror queen, game show host queen and drama queen and now ang pagbabalik ng dating presidential daughter ngaun presidential sister na! ang pagbabalik ng kris aquino sa malacanang! at queen of show dn yan c kris as in reyna ng abs cbn…eh yang cristy fermin na yan?

  3. Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  4. di ko na pinapanuod yun juicy simula ng nilagay yang balyenag si cristy lucifermin! hindi na nga makasingit sa kanya si i.c saka si alex kasi agaw eksena sya lagi at siya na lang ang puro nag sasalita! naku eh si lucifermin eh katulad din ni tandang alfie! plastic at binubuhay at pinalalamon ang pamilya sa perang pinag kakitaan dahil sa paninira ng mga artista! go to hell lucifermin!

  5. so what…inggit ka lang kay ejay kasi sya nagbakasyon sa boracay……..

    ejay sikat ka na kasi kaya ganyan yang mga detractors mo…..

    saka di naman alam ni ejay na maraming klasamang boys sa boracay kasi treat lang sya ni jolas at sya nag enjoy lang sa vacation at walang malisya…..behhhhhhhhhhhhhhhhh

  6. Ano naman ang masama kung pulos lalaki ang kasama; bakit wala na bang karapatan ang kahit sino na lumabas kasama ang barkada? Mas masama ung nagpapabayad dahil wala silang pagkakaiba sa mga murderer at holdaper.

  7. what’s with ejay..pati ba ejay issue-hang bakla?pleaseeee….baka mamaya si jason francisco naman..hay naku..

  8. cristy, kahit ano gawin mo, mas magaling pa ring mambara sa u c kris aquino, sister ni abnoynoy! ni hindi nga makahirit c girl abunda sa kanya! hehehehe

  9. walanghiya..akala ko ba alaga na ng isang baklang producer sa abs yan si ejay..naghahanap pa ng ibang raket at pagkakaperahan…tsk tsk…sabagay bata pa naman sya at medyo sariwa pa para babuyin ng mga bakla..bigyan natin ng mga 6 na buwan..laspag na yan at baka may HIV na yan sa pamamakla nya…hay naku ejay di na nakaalis sa dating trabaho nya sa quezon ave..kahit strlet na ay may baklang nagaalaga

  10. maxie tienes, nabubulagan ka lang! Sa TV5, malaya nilang masasabi ang lahat ng kanilang saloobin, di kagaya sa station ni ms. kris aquino, bawal ang magsaad ng tunay na saloobin ng kanilang mga talents kung di rin lang pabor sa kanila… otherwise, TSUGI ka! Magising ka sa katotohanan… Mas maraming kaabang abang na showbiz chika ang mapapanood mo sa Juicy at Paparazzi. Pramis! Try mong panoorin ang JUICY nung March 31 sa youtube, magugustuhan mo at for sure pag pinanood mo ang kanilang pilot episode ng JUICY at PAPARAZZI sa April 11, maho hook ka na… bet?

  11. hi. gusto ko lang malaman kung what date po yung episode na sinasabing may “pinasabog” si cristy fermin?

  12. cristy fermin kahit anong gawin mo wala ka pa ring binatbat kay kris aquino. baka nakakalimuta mo na kaya ka pinatalsik sa channel 2 dahil sa sobrang kadaldalan mo. at least si kris kung dumaldal, may katotohanan hindi katulad mo na sinungaling. sino ngayon ang mas nakakahiya? o dila kaya’y may galit ka lang sa dos kaya ka ganyan????

  13. Nag iisa ka lang talaga Cristy Fermin! Sa wakas, mapapanood ka na namin! Na miss ka namin! Magiging mas makulay na naman ang mundo ng showbiz! Mabuhay Ka! We love you!

Leave a Reply

Your email address will not be published.