Ejay Falcon & Ellen Adarna: A Passionate Love Story

Ej-Falcon-Ellen-AdarnaEJAY FALCON
Real Name: Ejay Lasap Falcon
Birth Date: November 21, 1989
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Basic Trait: I Desire

ELLEN ADARNA
Real Name: Ellen Meriam Go Adarna
Birthdate: April 2, 1988
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Basic Trait: I Am

MATAGAL MAN bago ipinalabas sa ABS-CBN ang Philippine remake ng Pasion de Amor, masasabi naman na worth it ang paghihintay dahil nag-exceed sa expectations ng madlang pipol ang palabas. Maliban sa mga nagseseksihang katawan ng mga hunks at goddesses, masasabi nating habang tumatagal ang serye ay lalong lumalabas ang chemistry ng magkakatambal.

“The more you hate, the more you love” ang landian ng tambalang Oscar at Sari na ginagampanan nina Ejay Falcon at Ellen Adarna. Sila ang may strongest characters pagdating sa pakikipaglaplapan at romansahan. May nagsasabi na in real-life daw ay ganu’n din talaga ang dalawang Kapamilya hotties.

Ang alam namin, single si Ejay. Kabi-break lang din ni Ellen sa kanyang non-showbiz dyowa. Is there a possibility na ang onscreen passionate scenes nila on TV ay mas maglalagablab off-cam?

Kilala ang Scorpio at Aries sa pagiging passionate. Halos lahat ng bagay ay gusto nila at kaya nilang maging independent. Gusto nilang tahakin ang tamang landas at hindi sila nagpapaapi sa iba. Sa aspetong emosyonal lang magkasalungat ang dalawa: Dapat maramdaman ng Scorpio na laging nandyan physically ang ka-partner o gusto nitong laging nararamdaman na mahal siya. Ang Aries naman ay medyo ilang sa ganitong set-up. Mas gusto niya na may konting space sa pagitan ng iniirog.

Isa rin sa puwedeng maging problema ng dalawa ay ang pag-aaway. Madaling makalimot at maka-move on ang Aries, habang ang Scorpio naman ay may tendency na magtanim ng galit at ‘Forgive, but never forget’ ang motto nito. Ang maganda sa tambalan na ito ay ang kanilang teamwork. Mahuhumaling ang Scorpio sa pagiging agresibo ni Aries habang hindi naman ikukuwestyon ng isa ang diskarte ng ka-partner. Olrayt!

Madaling magkapalagayan ng loob ang babaeng Aries at lalaking Scorpio. Kung paano patitibayin ang chemistry sa pagitan nila ang matinding pagsubok. May controlling tendencies ang Aries na puwedeng ikairita ng Scorpio. Madali ring magselos ang lalaking Scorpio lalo na kung pinaliligiran ng hunks ang syotang girlaloo. In a greater picture, puwedeng ang differences nila ang mas magpapatibay ng kanilang relasyon. Madadaan naman lahat ‘yan sa ma-bote… este, mabuting usapan.

Witwew! Pareho na ngang “E” ang umpisa ng pangalan, pareho pang hango sa ibon ang family names (Falcon & Adarna). Meant to be together ang TeamIbon! Push n’yo na ‘yan not only for romanticism, but for the economy! Ganu’n!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.