Ejay Falcon, ‘di type ang babaeng ma-gimmick at lumalabas sa gabi

NAKAUSAP NAMIN si Ejay Falcon kamakailan lang. Mabilis niyang nasabi na wala siyang gilfriend ngayon at naka-concentrate siya sa kanyang career ngayon. Bida na nga naman siya via Dugong Buhay tuwing 3:30 ng hapon.

At talagang focus siya dito. Kahit na anong mahihirap na scenes na ibinibigay sa kanyang ng direktor na si Toto Natividad ay kinakaya niya.

“Gusto ko rin naman kasi, kahit na mahirap. Gusto ko talagang matuto. Action ang teleserye kaya dapat talagang gawin,” sey niya sa amin.

Isang maipagmamalaking nagawa niya ay ang nakapagpatayo siya ng bahay para sa kanyang pamilya sa probinsiya.

“Last April ako huling umuwi. Ang sarap ng pakiiramdam na ‘yung pinaghirapan ko ngayon ay nakikita ko na,” sambit niya. “Amin ang lupa kaya ang bahay lang ang ginastusan namin. Tamang -tama lang, apat ang kuwarto.”

Isang huwarang binata sa kanilang lugar si Ejay. After nga na manalo siya sa PBB four years ago, marami na ang naghihikayat sa kanyang maging politician someday. May plano ba siya na maging pulitiko?

“Wala pa, focus muna sa career. Ayoko pang isipin ‘yan,” sabi pa niya,

Itinanggi pala niya na nanliligaw siya sa kanyang leading lady sa Dugong Buhay na si Yam Concepcion.

“Hindi komo leading lady mo ay liligawan mo na. Hindi ako gano’n.”

Ano naman ang tipo ng babae na gusto niya?

“Gusto ko simple lang, gusto ko ‘yung conservative. Okey lang kahit showbiz o hindi, basta conservative. Ayoko ‘yung lumalabas sa gabi, ‘yung ma-gimmick,” pahayag pa ni Ejay.

‘Yun na !

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

One thought on “Ejay Falcon, ‘di type ang babaeng ma-gimmick at lumalabas sa gabi

  1. Hindi siya mestisuhin pero guwapo siya. Ano ang nangyari sa kanila ni Queenie na panganay ni Binoe ? Sabi, nililigawan raw niya. Ano ito, publicity lang ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.