Ejay Falcon, atat na sa date nila ni Ellen Adarna sa Star Magic Ball

Ejay-Falcon-Ellen-AdarnaEXCITED AT atat na atat na raw si Ejay Falcon sa darating na Star Magic Ball this September dahil for the first time ay dadalo siya na may ka-date. Naka-post nga sa social media na si Ellen Adarna ang kanyang ka-date at ang palitan nila ng mensahe sa Viber, kung saan inimbita niya ang co-star niya sa Passion de Amor na maging ka-date.

“Dalawang beses ko siyang niyaya. In-invite ko siya sa Viber group namin at in-invite ko rin siya nang personal. At du’n sa dalawang besess na ‘yun, sumang-ayon naman siya,” tsika ni Ejay.

Dahil pumayag si Ellen, tuwang-tuwa si Ejay. First time niyang makasasama sa isang prestigious party ang kanyang co-star na super seksi at malambing.

“Ang lakas makaguwapo, actually. Kasi naman, Ellen Adarna ‘yun. Parang ang dami-daming lalaking gustong makapareha siya at makasama siya sa ganoong event, sa Star Magic Ball. Tapos ako ‘yung nabigyan ng chance.

“Sabi ko nga, parang gumwapo ako ng 10 times du’n sa pangyayaring ‘yun, ‘di ba? Dami yatang naghahangad makasama sa isang okasyon si Ellen.

“Masaya ako kasi kumportable naman ako sa kanya, pareho kaming komportable sa isa’t isa magmula nang magsama kami sa serye. Masaya rin kami kapag magkasama,” say pa uli ni Ejay.

Gusto ni Ejay na mag-enjoy si Ellen sa party dahil first time daw dadalo ng sexy actress at Pantasya ng Bayan sa Star Magic Ball.

“Ako kasi, 5 years na akong dumadalo at sa limang taon, apat na beses akong dumalo na walang date at ito nga ‘yung pagkakataon na dadalo ako na may ka-date. Thank you kay Ellen, kasi napapayag ko siya,” say ni Ejay.

When asked kung may namamagitan na ba sa kanila ni Ellen Adarna, isang matamis na ngiti ang bumakas sa mukha ni Ejay at saka nagsabing nasa stage pa raw sila na kinikilala muna ang isa’t isa.

“Basta ang masasabi ko lang po ay sobrang saya namin,” pagtatapos ni Ejay.

Teka, ‘di ba may boyfriend raw ngayon si Ellen? Laging sinasabi kasi ni Ellen noon kapag tinatanong ng press kung posibleng mahulog ang loob niya sa kapartner niya sa serye, laging sinasagot ng Pantasya ng Bayan na hindi puwede kasi may boyfriend na siya. Pero kung wala ay madali raw siyang ma-in love.

 

AKALA NG press nang iparinig ng baguhang singer na si Idolito de Guzman ang ilang kanta sa launching ng kanyang self-titled album na ang carrier song ay sarili niyang composition na Ngayong Nandito Ka Na ay kapatid siya ni April Boy Regino dahil sa halos pareho ng mga kanta at timbre ng boses ni April Boy kapag kumakanta.

May instance pa na halos kaboses din ni Idolito si Renz Verano na lalong ikinahanga sa kanya.

Nang itsika niya na sumali siya sa dating show na ‘Sang Linggo Na Po Sila sa kanta ni April Boy Regino na Umiiyak Ang Puso at sa April Boy singing contest naman ng Eat… Bulaga! na pareho niyang pinagwagian, saka lang nasagot ang tanong ng mga press.

Inamin ni Idolito na paborito niyang singer si April Boy. Nakarating na rin sa kanya ang kalagayan ngayon ni April Boy, kaya gusto niyang tulungan ito sa pamamagitan na pagkuha rito para isama sa nalalapit na concert niya sa Music Museum sa December 16.

Sa second album daw ni Idolito ay sisiguruhin niya na i-remake ang ilang kanta ni April Boy bilang respeto at paghanga niya sa iniidolong singer.

“Kung puwede sanang magkita kami para makatulong in some other way. Kasi naging malapit ko rin siyang kaibigan nu’ng nakasama ako sa mall shows niya,” pahayag ng baguhang singer na naghahangad na makilala at maabot din ang kasikatang matagal na niyang pangarap at pangarap din ng kanyang mga namayapang magulang.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

2 thoughts on “Ejay Falcon, atat na sa date nila ni Ellen Adarna sa Star Magic Ball

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.