Ejay Falcon at Arjo Atayde, magsasama sa isang action series

BLIND ITEM: Ma-rami na ang nakakapuna sa madalas na pagbanggit ng pangalan ni Young Actor nitong si Male TV Host Comedian na bida sa atin today. Hindi lang ang movie press at mga production staff, kundi pati mga friend nitong bida nating TV host ay nagtataka na kung bakit madalas lumabas sa bibig niya ang namesung ng guwapong aktor.

Ang true pala ay type ng TV host si young actor. Ikaw ba naman na sa murang edad ay may magandang katawan na?

Ibig kong sabihin ay pangkama na at mukhang bali-balita ay nagmamay-ari ito ng malaking sandata.

Kaya naman mas lalong naeng-ganyong mapalapit lalo itong bida natin kay young actor.

May tsika pang binigyan na ng regalo ni TV host si young actor. At ‘yun na ang simula.

‘Yun na! Clue, malayo ang agwat ng kani-lang edad. Basta makapareho sila ng initial…

‘Yun na !

 

MASUWERTE ITONG sina Ejay Falcon at Arjo Atayde dahil nga ang balita namin ay magsasama na ang dalawa sa isang  bonggang project ng ABS-CBN 2. Kung hindi kami nagkakamali ay isang action series ang pagsasamahan ng dalawa.

May nakitang husay sa akting sa dalawang alaga ng Star Magic, kung kaya naman sila ay pinagsama na, at dito na malalaman kung sino ba sa kanila ang mas mahusay umarte.

Nauna man si Ejay kay Arjo na umarte, hindi naman nagpahuli ang anak ni Sylvia Sanchez  at Papa Art Atayde. Kitang-kita naman ang husay ng baguhang aktor sa E-Boy at sa pinagbidahan nitong “Bangka” sa Maalaala Mo  Kaya sa Kapamilya Network.

Kung ganoon, kapag mahusay ang teleserye na pagsasamahan ng dalawa, hindi malayong sila na ang mga bagong best actor ng ABS-CBN 2.

May aangal?

 

AYON SA isang insider sa Venice International Film Festival, posibleng si Nora Aunor ang manalong best actress sa nasabing awards night.

Sana naman… mahusay naman ang Thy Womb ni Direk Brillante Mendoza. Kaya lang, medyo sablay ang production design, ayon sa isang kritiko.

 

MAY ISANG proyektong io-offer kay Coco Martin na masasabi naming tatalbugan niya ang lahat ng young actor natin ngayon.

Abangan… Kung magkakaayos ang dalawang partido. ‘Yun na!

 

BLIND ITEM PA: Knows, n’yo ba kung sinong actor na nagpadala ng kanyang abogado na haharap sa kanyang kaso o hearing ay nalokah ang lahat nang um-attend sa hearing? Aba, nabuko na ang abogado niya ay walang lisensiya. Kaloka, ‘di ba?

Ayun, lalong hindi nito naipaglaban ang kasong gusto niyang maayos na siya ay legal na naninirahan sa kanilang lugar.

Kakalokah… Hahahaha!
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

5 thoughts on “Ejay Falcon at Arjo Atayde, magsasama sa isang action series

Leave a Reply

Your email address will not be published.