Ejay Falcon, agad nag-react sa isyung may namamagitan sa kanila ni Sunshine Cruz

Ejay-FalconBAGO IPALABAS ang Starting Over Again (kung saan may tatlong sinehan sa Gateway, Cubao) ay ipinakita ang full trailer ng Third Eye na pinangungunahan nina Carla Abellana, Ejay Falcon, Alex Medina, Boots Anson Roa, Camille Prats, Denise Laurel. In fairness, mukhang nakakatakot nga ang movie na ito ng Regal Entertainment na sinulat at dinirek ni Aloy Adlawan.

Bongga ang production design at halatang ginastusan ito ni Mother Lily. Kaya sa mga curious kung totoo ang sinasabi nilang “third eye”, ito ang panoorin n’yo para malaman n’yo rin kung meron kayong taglay na third eye.

At ang nakakalokah, si Ejay rito ay nag-i-Ingles, huh! Hehehe! Aba, why not, ‘no?

And speaking of Ejay, idinenay niya na me namamagitan sa kanila ni Sunshine Cruz. Na-shock siya sa balitang ito, kaya nag-react agad siya. Okay, sabi mo, eh.

 

TOTOO NGA ang sabi nila. Ang ganda ng Starting Over Again. May mga eksenang walang intensiyong patawanin ang audience, pero kusa ka na lang bubunghalit ng tawa. Ang husay ng mga characters at hindi mo iisiping si Papapi ay may Shaina Magdayao na o si Toni Gonzaga ay may Direk Paul Soriano na sa tunay na buhay, dahil magko-concentrate ka talaga sa kuwento.

Bahala ka na kung magugustuhan mo ang ending, pero kami, naintindihan namin kahit medyo may lungkot sa amin. Eh, gano’n talaga ang buhay, eh. Congrats kay Inang Olive Lamasan, dahil napakahusay ng kanyang direksiyon. Minsan lang siya gumawa ng pelikula, pero remarkable at memorable.

Congrats sa Star Cinema at hinuhulaang sasampa ito ng P400-M at kung ito’y makaka-P500M, aba, sina Toni Gonzaga at Papa Piolo Pascual ang “maagang” maidedeklarang Box-Office King & Queen.

I-claim na natin ‘yan! Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.