Egay San Luis, seryoso sa Laguna, hindi chikka!

OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka!

This time, hindi na po ito chikka, kung hindi tunay na kapakanan ng Laguna. Ito po ang sinabi ni Egay San Luis.

“Ang Laguna ay humaharap ngayon sa napakala-king hamon. Ang malinaw na ‘di pagkakapantay-pantay sa kabila ng paglago ng ekonomiya at ang kulang na akses sa saligang serbisyo sa kabila ng pagkakaroon ng de kalidad na edukasyon at pasilidad na pangkalusugan, at ang problemang bunga ng mabilis na urbanisasyon ang siyang dahilan kung bakit ang darating na halalan ng Mayo 13, 2013 para sa bagong Gobernador ng Laguna ay napakahalagang laban para sa kinabukasan ng Laguna.
“Ako po ay naniniwalang ang sapat at tapat na panunungkulan ay nangangahulugan ng pagbibigay ng serbisyong nasa oras. Ang inyong lingkod ay naniniwalang ang Laguna ay nasa yugto ng kanyang kasaysayan na nangangaila-ngang ibalik sa kapayapaan at kaayusan kontra krimen at humihingi ng panunumbalik sa dangal ng panunungkulan.
“Ang mga adhikaing sinimulan ng aking amang si Gob. Felicing San Luis na naging daan tungo sa maunlad na lalawigan ay aking ipagpapatuloy sa pamamagitan ng mga programang mangangalaga sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Laguna. Sa aking termino bilang isang kongresista ay pinangunahan ko ang mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan at pang-edukasyon, kung ang inyong lingkod ay mabibigyang pagkakataon na maging ama ng Laguna ay ipagpapatuloy ko ang pag-iimplementa nito lalo’t higit para sa mga maralitang mamamayan ng lalawigan. Gaya ng nasimulan na, ipagpapatuloy ko ang rehabilitasyon ng Lawa ng Laguna upang mapakinabangan ng mga mamamayan. Patuloy rin ang aking gagawing pagsuporta sa mga sektor ng agrikultura at industriya. Paiigtingin ko rin ang seguridad ng lalawigan at pangangalaga sa kapakanan hindi lamang ng kababaihan at kabataan kundi maging ng mga kalalawigan nating may kapansanan at senior citizens. Higit sa lahat, pananatilihin ang gobyernong tapat at may pagpapahalaga sa maliliit na mamamayan.
“Ako po ang inyong si Egay San Luis ay kumakatok sa inyong puso ngayon upang maghain ng isang payak na pangarap na matamo ang tunay na kaunlarang magsisilbi sa kapakanan ng mga maliliit na mamamayan. Kung sa May 13, 2013, ako ay magkakaroon ng oportunidad na gawin ang subok na pamumuno at inobasyon sa susunod na tatlong taon bilang inyong Gobernador, makakaasa kayong muling matatamasa ang panunungkulang may dangal at malinis. Isang serbisyong nasa oras at mabilis.
Maraming salamat po!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Egay San Luis, seryoso sa Laguna, hindi chikka!

  1. Salamat po sa paglalathala ng pahayag ng Kgg. Edardo “Egay” San Luis.
    Atin pong himaymayin at busisiin ang nais niyang iparating at ipabatid sa pamamgitan ng Pinoy Parazzi.
    Una, si EGAY SAN LUIS po ay taal na taga Santa Cruz, Laguna.  Anak ng dating Kgg. Felicing San Luis na tinaguriang Ama Ng Lalawigan ng Laguna.  Marangal, matalino, pulitiko at higit sa lahat sumususog sa yapak ng kanyang Ama, may-takot sa Diyos, mapagmahal sa mga kalalawigan at tinawag niyang Gintong Pamana ni Ama.
    Pangalawa, ito pong pahayag na ito ay hindi na bago sapagkat kamakailan ay inihayag niya ang ilang sa mga panguhanin niyang gagawin tungo sa kasaganaan ng ating Lalawigan, sa kanyang Plataporma.  Malapit na po ang halalan subalit hanggang sa ngayon ay Wala pang Plataporma ang kalaban.
    Pangatlo, nais po ni EGAY SAN LUIS, na makamtan nating lahat ang malinis at dalisay na pamaantayan sa lahat ng mga nanunungkulan sa ating Lalawigan, simula sa kanya.  Hinihilng po niya ang ating panimdim upang maisakatuparan ang maayos na serbisyong may katuturan at nasa oras; maibalik ang dating luntiang kasaganaan ng ating Lalawigan na malaya sa mga krimen at may kapayapaan; isulong ang mga programang mangangalaga sa kapakanan ng bawat mamayan, ang ating Kababaihan, Kabataan, mga nilalang na may kapansanan, at mga magulang (senior citizens); at ituloy ang mga proyekto niya hinggil sa  pangkabuhayan, edukasyon at kalusugan, gayundin po sa patuloy na pagsasa-ayos ng Lawa ng Laguna.
    Ang layunin pong ito ay mangyayari lamang kapag binigyan natin siya ng puwang na maging tunay na Lingkod Bayan sa ating lalawigan ng Laguna sa Mayo 13, 2013.  Tayong lahat ang Hukom sa Halalan.

  2. Hoy!!! Baklang Kabayo………..bakit lumilihis ka ng pag susulat? Bakit hindi mo sinusulat ang mga Balita Tungkol sa Binasurang pelikula ng paburito mong si Vilma(Ugaten Kulubot)  ang pelikulang Extra na Itinapon sa Mabahong Basurahan na kasing sangsang ng amoy ni Vilma(Ugaten Kulubot) ganyan ka naman talaga mapag imbot ka…..Pero kung sakaling pumasok ang pelikula ni Ugaten Kulubot ay puro papuri ang gagawin mo! Wala talaga sa kalingkingan pagdating sa pagganap ang idol mong Isinuka ng Cannes Film Festival…..Nakaka awa yang idol mong Ambisyosa at Illusyonada….Di pa niya kasi aminin na talagang wala siyang binatbat sa Nag Iisang Supertar ng Asia Pacific na si Nora Aunor…….

Leave a Reply

Your email address will not be published.