Edu Manzano, walang isang salita?!

OLA CHIKKA! TULUYAN na ngang binabatikos itong pagbabalik-showbiz ni Edu Manzano sa kabila ng mga binitiwan niyang salitang manalo man o matalo sa pagtakbo niya bilang bise-presidente noong lumipas na eleksiyon.

Kung inyong matatandaan sa isang interbyu ay sinabi niyang hindi na niya babalikan ang pag-aartista, maging ang pagho-host sa mga huling shows niya sa Kapamilya network kasama na rito ang morning show na Umagang Kay Ganda at game show na Pilipinas, Game KNB?, maging ang kanyang limang taong paglilingkod sa Optical Media Board bilang
chairman mula 2004 to 2009 ay walang na ring balikan.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga pahayag, noong nakaraang Miyerkules, August 11, 2010 ay pumirma na si Edu ng 3-year exclusive contract sa GMA-7. Depensa naman niya, ang hindi lamang niya nais balikan ay ang mga ginagawa niya sa mga dati niyang shows gaya ng pagsasayaw, at ang talagang nais niya ay ang pagho-host na lamang kung saan ay hindi lamang entertainment ang naiibigay niya sa mga manonood, kundi maging impormasyon at serbisyong publiko.

Sa Setyembre nakatakdang ilunsad ang kanyang first project sa Kapuso network, kung saan siya ay magho-host ng gameshow na pinamagatang Asar Talo Pero Laging Panalo.

Hindi kaya super nakaka-relate siya sa title ng kanyang game show? Dahil nga kahit gaano man siya siraan at asaring walang panindigan, panalung-panalo pa rin ang kanyang showbiz career sa bakod ng Siyete. Ang dami ko kasing nabasang comment sa mga forum tungkol sa pagbabalik showbiz niya. Ilan sa mga iyon ay pagiging wala niyang isang salita, kaya he deserves na matalo noong eleksiyon. Pak!!

Grabe, huh! ‘Ika nga nila, the only constant thing in this world is change. Kaya malamang hindi na nakapagtatakang magbago ang isip ni Edu, lalo na at ang GMA mismo ang nag-offer sa kanya na maging Kapuso. Hindi tulad ni Cesar Montano na siya mismo ang nag-offer sa sarili niya para pumasok sa bakod ng Siyete.

Iyon ay ayon lang naman sa aking parazzi girl. Kaya Cesar… ano ba talaga? Ha-ha!

NAWINDANG NAMAN AKO sa mga tweets nitong si Chokoleit sa kanyang twitter account tungkol sa taong may favorite sa kanyang friend na si Pokwang. Sino pa? Eh, ‘di ‘yung babaeng laging ang laman ng kanyang column ay itong komedyante, walang iba kundi si Cristy Fermin!

Noong nagse-surf ako sa internet, nakita ko nga ang kanyang mga tweets at natawa nang bonggang-bongga! Ilan sa mga tweets niya ay ito:

“Araw arawin mo ang pagtira sa amin Cursety Fearmean ha kase maninibago ako pag hindi naku magtatampo kami…salamat sa libreng publicity.LOL”
2:29 PM Aug 12th

“At tsaka mo sabihin sinungaling ako SHREKTY CURSETY FEARMEAN kung masasabi mo sa harapan ni @pokwang27 na WALA ka ngang UTANG sa kanya! *LOL!” Thursday, August 12, 2010 2:10:44 PM
“Wag ka ng umeffort pag awayin pa kami ni @pokwang27 at ang tibay ng friendship namin sintibay ng apog ng kapangitan ng kapal ng mukha mo!LOL”
2:07 PM Aug 12th

“SIKAT KA PA CURSETY FEARMEAN? KAYA PALA PINALAYAS KA SA DOS! IKAW ANG DI SINUNGALING? ANO ANG IKINATALO MONG LIBEL CASE. PAGSASABI NG TOTOO?”  Wednesday, August 11, 2010 10:53:42 PM
“Magbayad ka ng utang mo kay Shrekty Fermin kapal ng mukha mo!!! Mas Panget ka! Sinungaling! Kadiri ka, Baho ng mukha mo! Estafadora!”
10:43 PM Aug 11th

“Correction its not CRISTY its SHREKTY or PESTY. Not FERMIN its FEAR MEAN, sa tagalog, kakatakot ang samaaa ng ugaliiii! Crispy Pata Per MIn!”
6:37 PM Aug 11th

Oh, ‘di ba, nakakaloka? Biglang dumami agad ‘yung pangalan ni Cristy? Napaka-creative pala nitong si Chokoleit. Tsk, tsk, tsk! Tama nga naman, hindi magandang pinag-aaway ang magkaibigan.

BLIND ITEMS: PITIK-BULAG! Sino itong komedyanteng bonggang-bongga sa kanyang bagong billboard, kung saan ay naggagandahang mga dilag ang kanyang mga kasama, at puwede mo ngang sabihin na ang billboard na iyon ay larawan ng mga diyosa kung hindi lamang siya kasama? Ha-ha!

Sa bagay, katawan naman ang puhunan sa billboard na ‘yun, kaya may k naman siyang mapasama… wag n’yo na lamang tingnan ang mukha.

Ha-ha! Peace tayo ha? Baka giyerahin na naman ako ng kan-yang mga fans ‘pag check ko ng aking e-mail. ‘Yun na! Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

23 thoughts on “Edu Manzano, walang isang salita?!

  1. sayang to si Cristy fermin, magaling sana as showbiz host kaso masyadong nega to, kaya pinalayas ng abs ngayon sa tv5 na naman nagkakalat tama yan magsama sila ni Willie pare-pareho sila ng baho

  2. yeah wala tlgang paninindigan yan si Edu, the way he said it, was that he wasn’t coming back win or lose with so much conviction as in seryoso tlga siya, yun pala drama niya lang yun,

  3. MATAGAL NG WALANG SALITA SI EDUATDO, KAHIT SA MGA BABAE NAGING ASAWA AT SYOTA NIYA GANON DIN, IIWANAN LANG DAHIL NGA WALANG ISANG SALITA. MAMAYA NIYAN NASA TV5 NA SIYA, AND BALIK ULIT SA ABS CBN, AT BABALIKAN ULIT SI PINKY WEBB. TSK TSK TSK …

  4. KAYA BONGANG BONGA ANG KARIR NI POKWANG KASE TINITIRA SIYA NI HIPOPOTAMUS NA CRISTY FERMIN.HUWAG KAYONG LALAPIT SA MALAS NA IYAN.IK IK KAYA 5 LUGING LUGI DI MAKABAWI.ALISIN NINYO SI FERMIN TIYAK KO BOBONGGA ANG 5

  5. MARAMI KASING BOBO AT BOBA SA MUNDO TULAD NI WILLIE AT RUFFA AT KUNG SINO SINO PANG MINALAS AT NAWALAN NG KARIR NG DUMIKIT KAY FERMIN.SA SAMA NG UGALI NIYA NAHAWA KAYO SA KAMALASAN.SINO SINO PA BA TITA SWARDING ANG MINALAS NG DUMIKET KAY FERMIN NA MUKHANG HIPOPOTAMUS ANG MUKHA.

  6. BASTA POLITIKO NAGIGING SINUNGALING, KAHIT NANAY NILA NA MAY SAKIT AT MATANDA NA ILALABAS NILA IYAN SA MEDIA PARA LANG MANALO. LOL

  7. Swarding tanga ka ba? Si wilma galvante ang tumawag kay cesar montano. Hindi si cesar ang lumapit sa gma7.. Pangit mo! Pakialam mo kay edu? Di rin ba nagbabago ang isip mo! Magaling syang host at dapat lang na bumalik sya.

  8. well wala ka magagawa SIKAT kc c melai at isa pa sya nga ang rison bakit bumibili kame sa bench ng damit :) kaya sori na lang sa mga nanlalait kay melai >>>>>>>>>> aminin nyo sa hindi she is one of the hottest star now :) ok wla sa mukaha yan nasa pagkatao :) luv u melai mwaaah

  9. tita swarding, pakisabi kay chokoleit na pakidagdag kamo ang pangalang CRISTY luciFERMIN sa listahan nya ng nakasusulasok na pangalan ng naaagnas ng cristy fermin.

    • bwahaha, korek ka jan sis! nuno ng kasinungalingan tong si SHREKTY LUCIFERmin! never nagkaron ng credibility, estafadora pa, o sige na, naaawa na sayo si Pokwang, wag mo na daw bayaran utang mo, ayan ha, gumana na yung propaganda mo: AWAYIN ANG INUTANGAN PARA DI NA MASINGIL!

  10. Edu is always playing around from tthe very beginning.

    Lovelife: Iniwan niya si Vilma, Pinky, etc, etc, etc.

    Career: Palipat lipat siya network whereever he wants to be, like balls without direction.

    Ploitics : He is so aware na hindi siya mananalo sa VP, but continued to do so, dami kasi funds, nag US tour pa.

  11. Seriously it really a big deal? He changed his mind so.. Edu Manzano wants to host a gameshow let him. I don’t know why you guys are stressing. People change their minds all the time.

    • yeah right people changed their mind all the time ..but he should not announced it though.. never announced something coz it might backfire..that is what is happening to him now..okay?

Leave a Reply

Your email address will not be published.