Edu Manzano, walang dating kumpara kay Kris Aquino?!

OLA CHIKKA! KAHAPON ay naihatid namin ang balitang tuluyang pagkawala ni Willie Revillame sa dati niyang noontime show na Wowowee at kasabay nito ay mga nakapila sa listahan ng mga artistang maaaring pumalit sa naiwan niyang posisyon. At isa na nga rito ang napakagaling ding host na si Edu Manzano. Walang duda ang kakayahan niya pagdating sa hosting dahil ilang shows na rin ang nagpatunay rito na pumalo talaga sa ratings.

Ngunit tanong ko lang, sadya bang hindi siya ganu’n kasikat at ganu’n-ganu’n na lamang nakalimutan ng madlang pipol ang salitang binitawan niya sa kanyang dating morning show na Umagang Kay Ganda kung saan binitiwan niya ang salitang sa pagtakbo niya bilang vice-president noong eleksiyon, win or lose hindi na talaga siya babalik ng showbizness? Duhba? Hindi n’yo ba natatandaan ‘yun?

Samantalang bawat katagang bigakasin ni Kris Aquino ay tumatatak agad sa utak ng mga tao at agad-agad hinuhusgahan? Ganu’n na lang kung patalsikin siya hindi lamang sa showbiz, kundi maging sa ating bansa dahil lamang sa misinterpration sa kanyang sinabi na mas mabuti pang umalis siya ng bansa kaysa naman patuloy siyang batuhin ng kung anu-anong intriga na makasisira sa kanyang kapatid na si Noynoy?

Kaya kung pagkukumparahin sa kasikatan ay wala ba talagang dating itong si Edu kay Kris? Kung sa bagay eh, lahat naman yata nakaabang sa mga kilos ni Kris lalo na ngayon at First Sister na siya?

Bonggacious!

AT SPEAKING OF Wowowee, kitang-kita mo sa mga kilos nitong mga co-host ng show ang kagalakan sa pagdating ni Robin Padilla lalung-lalo na itong si Pokwang na may drama pang shining, shimmering ang kanyang mga mata kapag katabi si Binoe. Ibig sabihin ba nito na mas masaya siyang wala na si Willie dahil noong kasama pa nila ito ay madalas tameme at naba-blanko ang mga host na para bang tuliro at hindi makakilos nang maayos? Ngunit nang si Binoe na ang kasama nila sa entablado ng Wowowee, kitang-kita ang saya sa mga mukha nila at pagka-natural sa kanilang mga kilos?

So masasabi ba nating TAGUMPAY ang pagkawala ni Willie sa Wowowee? Hmmm…

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actress na konti-konti nang nasisira ang pagiging good girl image nang dahil sa mga intrigang ibinabato sa kanya?

Sayang pa naman at maraming magulang ang natutuwa sa kanya dahil sa maganda siyang impluwensiya sa mga kabataan.

Una na rito ang pangangampanya niya sa isang kandidato noong eleksiyon na hindi man lang pumalo sa mga resulta ng boto at ngayon naman ay ang hindi matapus-tapos na love story nila ng young actor din.

Hmmm… mukhang magiging against all odds ang drama nila dahil pati ang padir nitong young actress na ayaw na ayaw sa young actor na nali-link sa kanyang anak ay umeksena na rin at binigyan ng ultimatum na kapag hindi daw sila tumigil ay gagawa na raw siya ng aksiyon.

Ibig sabihin ba nitong padir ay mag-ieskandalo ka at bubulabugin ang showbiz career ng iyong anak?

Sige let’s wait and see na lang. Ha-ha! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleFelix Roco, naka-move on na sa paghihiwalay ng mga magulang
Next articleSaan napunta ang lapel ni Kim Chiu?

No posts to display