Edu Manzano, tutol sa pagtakbong mayor sa Lipa ni Luis Manzano

MASAYA ANG naging kuwentuhan namin ni Edu Manzano kamakailan lamang. Bukambibig naman sa kanya na boto siya sa relasyon ng anak na si Luis kay Jennylyn Mercado.

Nagsabi na kaya ang kanyang panganay na may balak na itong lumagay sa tahimik? “You know pareho silang maganda ang kanilang career ‘no. Sometimes, ‘yung mga bagay-bagay, you can put it aside in the meantime habang medyo… pigain mo ‘yung career opportunities mo, kasi alam mo naman dito sa atin, sa ating profession, hindi panghabang-buhay ang tagumpay. Ang sabi nga nila, pansamantala lang. So, while it’s there, enjoy the moment and save for your future.”

Tungkol naman sa mga balitang ginu-groom daw si Luis bilang susunod na mayor ng Lipa, Batangas kung saan pinamunuan ito ng siyam na taon ng Star For All Seasons na si Governor Vilma Santos, sinabi niyang tinututulan pa raw niya ito sa ngayon. “Sinabi ko na sa kanya that ako totally against nu’ng kanyang pagtakbo, because walang lohika, eh. Nandito ‘yung trabaho, nandito ‘yung profession, lolokohin mo lang ‘yung tao kung saka-sakaling mahalal ka na, tapos ‘di mo  bibigyan ng 100 percent.

“You know, public service is a sacrifice. Kung talagang sinsero kang manilbihan now, so sabi ko kung ikaw ay napagod na kasi medyo naihanda mo na ang iyong kinabukasan na ‘yung sakripisyong hinihingi ng serbisyo publiko (ay maibibigay mo na), may karapatan ka nang tumakbo. Pero it would be an injustice to the voter kung dito siya titira at magtatrabaho and then ‘yung pabalik-balik lang (from Manila to Lipa).”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Edu Manzano, tutol sa pagtakbong mayor sa Lipa ni Luis Manzano

Leave a Reply

Your email address will not be published.