Edu Manzano, botong-boto kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano

TAWA NANG tawa si Edu Manzano nang makausap namin recently sa birthday ni Senator Jinggoy Estrada. Ayaw na raw kasi sana niyang magpa-interview tungkol sa lovelife ng anak na si Luis pero bakit daw kinukulit namin siya. Tawag pa nga niya sa amin ay ‘intrigero’.

Pero hindi kami nagpaawat at inusisa namin talaga siya kung may alam ba siya tungkol sa balitang diumano ay ikinasal na si Luis sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado. Sagot niya sa amin, “Sila? Kung saan sila liligaya.”

Pero nagsabi ba si Luis sa kanya? Ano ba ang alam niya tungkol dito? Tugon nito, “They would tell me, magsasabi naman sila sa akin, eh. They would tell me. Kung saan sila happy.”

So, hindi ba siya kinu-konsulta ni Luis pagdating sa usapin sa lovelife? Banggit ni Edu, “Luis don’t need me. He is matured enough, and he knows what he wants in his life exactly.”

Hindi man nito kinumpirma ang kasalan, boto naman daw siya kay Jen kung sakaling mapunta nga sa pagpapakasal ang relasyon ni Luis sa Kapuso actress.

Saad niya, “Si Jen at ‘yung family niya, fantastic.”

 

MAGBABALIK-SHOWBIZ NA nga ba ang dating ‘pasaway’ daw na actor na si Angelo Ilagan? Nakita kasi namin sa Facebook niya ang trailer ng isang indie film na siya ang bida na may pamagat na Unfriend.

Noong Sabado, February 23, sa Ang Latest: Updated ng TV 5, eksklusibong humarap si Angelo upang kla-ruhin ang mga naging katanungan sa kanyang biglaang pagkawala noon. Unang tanong sa kanya ang tungkol sa diumano’y kakaibang gawain nito lalo na ang diumano’y pagkapit nito sa patalim. Pero, mariin itong itinanggi ng 23-year old former actor. Aniya, “Uhm, hindi po, kasi po nag-aral po ako nu’ng nawala po ako sa showbiz. Tinapos ko po ‘yung high school ko po, nalaktawan ko po ‘yung second year at third year kasi kumuha po ako ng PEP (acceleration) test.

“Marami ngang isyu-isyu na lumabas tungkol sa akin na ‘yun nga po nagbebenta nga raw po ako ng katawan ko. So, sa akin po, hindi na lamang po ako sumagot kasi kung ano na lang po ‘yung kung anong tingin nila at kung anong iniisip nila tungkol sa akin, ‘yun na lang po talaga (hinayaan ko na lang).”

Hindi naman nito itinanggi na nagkaroon nga siya ng attitude problems dati. Lahad niya, “Inalis po nila ako, tsaka parehas po, umalis din po ako dahil po may mga attitude problems po ako dati. Opo inaamin ko po ‘yun, kasi po nagkaroon po ako ng mga late-late po sa taping dati, naging unprofessional po ako, hindi ko po sinisipot ‘yung ibang tapings. Kasi po, nakaramdam po ako ng pagod so, na realize ko po na mali pala ‘yung mga ganu’n.”

Inamin din nitong hindi naging madali ang buhay niya matapos niyang talikuran ang showbiz. Kuwento niya, “Ang dami ko pong pinagdaanang hirap nu’ng nawala ako sa showbiz, and ‘yun nga po nagkakaroon ng kakapusan sa budget, and nami-miss ko po ‘yung trabaho ko dati noong nasa kalagitnaan ako nu’ng show. Napabayaan ko po, ako po kasi, sinisisi ko ‘yung sarili ko and then ngayon, at ‘yung mga nakaraan at wala naman pong ibang may kasalanan kundi ako lang po.”

Sa ngayon daw, gusto na niyang bumalik sa pag-aartista. Patuloy pa rin daw ang pag-uusap nila ng magaling na manager at showbiz columnist na si Alfie Lorenzo para pangalagaan ang kanyang career.

Hindi rin naman nagpatumpik-tumpik pa ang binata sa paghingi ng ‘sorry’ sa mga taong labis na naapektuhan sa kanyang inasal noon. Pahayag niya, “Tsaka po sa lahat ng mga tao na nasaktan ko noon, mga producers and directors patawad po sa mga ginawa ko noon. Nagkausap na kami ni Direk Maryo (delos Reyes). Pero alam ko, masama pa ‘yung loob niya sa akin. Kasi hindi naman po (ganu’n) kadaling magpatawad kasi sobrang taas po ng pangarap niya para sa akin (noon).”

So, maipapangako ba niyang hindi na siya ang dating pasaway at unprofessional na Angelo? Tugon niya, “Hindi po, kasi ako nagbibigay ng mga pangako. Gusto ko lang po tapusin kung ano po ‘yung mga sinimulan ko ngayon, kung may maibigay po sila sa akin (na proyekto), tatapusin ko nang buong-buo.”

 Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Edu Manzano, botong-boto kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano

    • SI EDU, TATABIHAN KO SA BED. KAHIT DILF NA, HOTNESS PA RIN. PERO SI LUISA? MAGGAGANTSILYO NA LANG KAMING DALAWA. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.