Edu Manzano at Cesar Montano, talunan kaya hindi nakabalik sa Dos?!

OLA CHIKKA!! NATAWA naman ako sa mga chikkang inihatid sa akin ng aking parazzi girl tungkol sa paglipat ng istasyon ng mga dating Kapamilya stars.

Kilala ang Dos na tahanan ng mga bigating artista. Kapag tinanong mo ang mga manonood na magbigay ng pangalan ng artista mula sa ABS-CBN, tiyak na iba’t ibang pangalan ng artista ang babanggitin nila tulad ng Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sam Milby, Gary Valenciano, Anne Curtis, Andi Eigenmann, Angel Locsin, Bea Alonzo at marami pang iba.

Hindi tulad ng sa GMA-7 na umiikot lamang sa Marian Rivera, Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Carla Abellana at iilan pa. Ito ay patunay lamang na pagdating sa pagpapasikat at pag-aalaga ng artista, nangunguna ang Dos. Kaya naman binigyan ng kulay ang pagiging Kapuso nila Cesar Montano at Edu Manzano. Kilala sila dati bilang Kapamilya stars lalo na’t pumapalo sa ratings ang mga dati nilang shows. Ngunit ayon sa aking parazzi girl, ang mga artistang tumakbo noong nakaraang eleksiyon lalo na at natalo ay hindi na makababalik bilang Kapamilya star.

Noong May 2010 ay tumakbo bilang Vice-President si Edu habang Governor naman ng Bohol si Cesar na parehas natalo. Kaya maaring ‘yun ang naging dahilan kung bakit nawala sila sa bakod ng Dos.

Ang dahilang ito ay narining ko lamang sa aking parazzi girl. Ngunit mukhang may katotohanan dahil agad naging Kapuso stars itong si Edu at Cesar, kung saan ay hindi masyadong naging maingay o magarbong pag-welcome ang pag-ober da bakod ng dalawa.

At ngayon, napapabalitang hindi maramdaman ang pagiging Kapuso ni Cesar dahil malimit lamang ang kanyang paglabas sa Siyete. May mga chikka pang kaya hindi masyadong nabibigyan ng exposure itong si Buboy eh, dahil sa kanyang ugali rin na laging late, ‘yung tipong darating after ilang hours ng call time kaya nade-delay ang taping.

Hindi kaya ang pagkatalo ng dalawa sa pulitika ay maging badya rin ng pagkatalo ng kanilang karera sa showbiz industry. Kung sa bagay, masyado pang maaga para husgahan ang paglipat ng dalawang kilalang artista at marahil, may mga sorpresa pang itinatago itong Kapuso Network.

Dahil ano mang mangyari, hindi ito magpapatalo sa Kapamilya. Baka at the end of the day ay bigkasin na lamang nila ang katagang… “Nasa amin pa rin ang huling halakhak!!!” Ha-ha-ha!!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong gay comedian na napapabalitang hindi kasali sa casting ng mga kilalang komedyante sa concert sa October dahil sa sakit na hydrocephalus?! Tama hydrocephalus, as in malaking ulo! Pero hindi ‘yung literal na inooperahan ng doctor, ha?!

Tuluyan na raw lumaki ang ulo nitong gay comedian at hindi pinayagan daw umano ng kanyang manager na makihalubilo sa mga komedyanteng kasama sa concert. Taray! Hindi ka-level!

Tinanong naming ang babaeng komedyante na bida sa concert at ang tanging sagot lamang niya ay hindi siya ang nag-o-organize, kaya hindi niya alam kung bakit hindi kasama si gay comedian.

Sagot naman ng isang taklesa gay comedian na kasama rin sa concert, malamang hindi pa nanganganib ang kanyang mga kalahi kaya hindi siya kasali… may kinalaman lang naman ito sa title ng nalalapit na concert!

Kailangan pa ba ng clue kung sino ang bida sa pitik-bulag na ito?!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn, kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. At nais ko ring batiin ang aking butihing kaibigan na si Mr. Wilson Ong at ang kanyang buong pamilya ng Century Chemical Corporation. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

34 thoughts on “Edu Manzano at Cesar Montano, talunan kaya hindi nakabalik sa Dos?!

  1. DI NA PUEDE DALAWANG BUGOK NATO BUMALIK NG 2, BUKOD SA CERTIFIED MGA BALIMBING, MGA LAOS NA AT OLDS NA, MGA BADOY PA. YONG ISA, TINAKBUHAN SI PINKY WEBB, YONG ISA NAMAN NABIGONG MAKUHA WOWOWEE AT HINDI NA NARENEW ANG BUMBLEBEE KARAKOE SHOW NIYA…ALAM NG ABS YAN.. HA HA HA HAA HA HAAAA HA.

  2. ganun naman tlga yeh.. kapag useless kna itatapon kna,,. si angel kinuha ng dos pero asan na ngayun? wala man lang tv shows.. ganun tlga… palitan lng yan… hahahah! =D

  3. ilusyon na lang yung kina dong at yan. laos na sila pero pilit pa rin silang pinagsasama. haha bitter ang mga kanguso. sa agb lng kayo number 1 kc galit un sa dos remember ung kaso nila dati.

  4. Ever since halos lahat nang naging superstars ay sa
    ABS CBN nagsimula or pinasikat nang ABS CBN. Sina
    Nora Aunor at Vilma Santos ay sa ABS CBN nagsimulang
    sumikat- bago pa lang sumisikat si Nora ay regular na
    siya sa ‘Oras Ng Ligaya’ an abs-cbn evening show, si
    Vilma ay may ‘Sensations’ sa abs-cbn. then sina Judy
    Ann Santos, Jolina Magdangal at Claudine Barreto na
    naging ‘ big stars’ ay produkto nang abs-cbn, sina
    Jolina at Claudine lumipat sa GMA nang nag kanilang
    popularity ay bumababa na. Sinong superstar ang
    produkto nang GMA? Marian Rivera at Dingdong Dantes
    ang pinakasikat nang GMA pero talo sila nang ibang
    stars nang abs.cbn

  5. nuon bigatin sina Cesar Montano at Edu Manzano pero hindi na ngayon, natural ang show business ay hindi stable, sikat ka ngayon bagsak ka bukas. Si Cesar ay sikat nuong kapanahunan niya (90’s) ngayon iba na ang
    generation nang mga artista at iba na ang pinagkakaguluhan nang mga fans. Kaya siguro hindi
    na pinigilan sina Edu at Cesar nang ABS-CBN sa paglipat
    sa GMA ay dahil alam nang Dos na hindi na bankable
    stars ang dalawa. Tulad ni Claudine, hindi pinigilan dahil
    ‘fading star na siya’, okay kumita ang In Your Eyes movie
    pero hindi si Claudine ang nagdala kundi sina Richard
    G at Anne Curtis. Kahit wala si Claudine, box-office
    hit pa rin dahil, Richard Gutierrez kahit hindi marunong
    umarte ay ‘bankable’ dahil guwapo, si Anne Curtis ay
    proven ‘bankable star’ nang Dos at marunong umarte
    si Anne. Lahat nang mga laos sa Dos lumilipat na sa
    Siete or Singko ( Dolphy, Susan Roces, Maricel Soriano
    to name a few) ngayon sin Cesar at Edu. Ang ABS CBN
    ang nagpapasikat nang mga artista ang GMA ang sumasalo nang mga nalalaos.

  6. cla kim chui piolo, john lyod, un dapat ipagmalaki ng abs pero cla gary v. edu martin kris sharon may mga name na cla hndi cla abs cbn grown. Talagang star maker ang abs cbn pero ung iba may name na bgo nila gnawang exclusive.

  7. Atleast pag binabanggit ang Marian Rivera at Dingdong Dantes katumbas nmn ang buong abscbn.. hahahaha!! ang pair na yan ang nagtatadyak ng abscbn sa Mega Manila.. dati GMA lang nmn ang naghahabol sa abscbn, ngayon abscbn na ang naghahabol sa GMA.. hahahaha!!! at isa pa ang mga big star kuno ng abscbn ay mga laos na ngayon dna mabenta.. tingnan nyo mga bida sa mga shows nila ngayos puro na halos mga starlet.. LOL!

  8. “Kilala ang Dos na tahanan ng mga bigating artista” Really? Is that why alot of people are leaving Abs Cbn? Where is Angel Locsin?

    • may bago syang project bakla, at nanalo sya ng international awards. Asa si Marianaconda Burata? Ang tanging award lang na napanalunan nya ay ang Payatas award! HAHAHHAHA

      • yes nomination, EMMY AWARDS for BEST DRAMATIC ACTRESS, si marian na nominate na ba maski sa up awards lang, D BA HINDI PA, gago, tanga talaga mga kapuso, palibhasa walang mga breeding, mga taga squatter, LOL

  9. MARAMI KASI, KAKANDIDATO KAHIT ALAM NILA NA TALO SILA, PERO ITUTULOY PA RIN, BAKIT?..
    SIMPLE SAGOT..PARA BIGYAN NG ELECTION FUNDS/BUDGET, MGA DONORS FROM BILLIONARE FRIENDS, CORPORATE, ETC…. AT IBUBULSA NAMAN NILA. KAYA SA SUSUNOD, KAKANDIDATO NA RIN AKO KAHIT ALAM KONG MATATALO.

  10. vaket may nag ingay va nung si claudine ang lumayas ng dos????? wala diva, kasi ang gustong sabihin nun laos na sya katulad ng dalawang bugok na ito. hahahhahahhahhahahaa

  11. kaya nga natalo eh hindi sila gusto ng tao. hay naku nung nasa dos ang mga yan hindi ko naman talaga pinapanood ang mga yan. sya dyan na kayo sa gma kaya naman pataasin ang rating ng mga show nyo eh. magbibigay lang yan ng mga groceries, diva AGB?

  12. SA TOTOO LANG PO, PAREHONG BUGOK NA ITLOG NA DALAWANG TO.
    PAREHONG TYPE POLITICS, HINDI NAMAN SILA TYPLE NG MGA TAO.
    HINDI NA RIN SILA TYPE NG ABS CBN.

    • Right decision Vice, You must not mixed up or support anybody try to have “big” show in the dome. Gagamitin lang kayo para pangpadami ng tao. You can stand of your own now, hindi malaki ulo mo, nag ni ning ning lang sa suerte. gets nyo?

  13. MGA LEFT OVER NA SI CESAR AT EDU SA DOS, KAYA GMA7, PLEASE PAGTIYAGAAN NA NYO LANG DALAWANG OLDS NATO. HA HA HA HAAA HAA.
    CESAR – HINDI NAGTAGUMPAY MAKUHA WIN NA WIN.
    EDU – SABI NIYA, MAGRERESIGNED NA SIYA SA
    PAGAARTISTA AFTER ELECTION AT PARA
    MAKAIWAS NA RIN KAY PINKY WEBB, SAKA
    NANDON NA SI LUCKY.

Leave a Reply

Your email address will not be published.