EDSA Tayo, All Set na

TINIYAK NG organizer ng “EDSA Tayo” na tuloy ang kanilang gagawing prayer vigil sa darating na Miyerkules, September 11.

Sinabi ni Mr. Junep Ocampo, organizer ng EDSA Tayo na alas-11 ng umaga mag-uumpisa ang kanilang pagtitipon sa EDSA para sa prayer vigil at bandang alas-5 ng hapon naman ito magtatapos.

Hinikayat ni Ocampo ang publiko na makiisa sa prayer vigil at sabay-sabay ipanalangin sa Diyos ang bansa at ipakita kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang talagang nais ng taumbayan na tuluyang na mabasura ang pork barrel system.

Tiniyak din ni Ocampo na isa itong prayer vigil at malayo na magiging sanhi ito ng kaguluhan.

Samantala, una ng inihayag ni PNP PIO Chief S/Supt. Reuben Theodore Sindac na nakipag-pulong na si Ocampo at ilang mga opisyal ng NCRPO upang matiyak ang seguridad sa nakatakdang prayer vigil sa Edsa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.