Editor ng Dyaryo, Itinumba

PATAY SA pamamaril ang editor ng pahayagan sa Barangay Pachoca, Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ang nasabing biktimang si Vergel Bico, 37 anyos, editor ng Kalahi Weekly newspaper sa Oriental Mindoro.

Lumalabas sa report, sakay ng motorsiklo si Bico nang sabayan at barilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang agad na ikinasawi ng biktima.

Samantala, inaalam pa ng kinauukulan kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pamamaslang sa editor.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.