Edgar Allan Guzman, sinuwerte nang todo matapos hiwalayan ang dyowa!

NAKU, HAPPY naman kami nang bonggang-bongga sa recent achievements ng aming anak-anakang si Edgar Allan Guzman. Heto at magkakaroon na nga ng extension pa ang critically-acclaimed Bona ng limang shows pa, kung saan ipinakita ni Edgar ang kanyang galing sa stage acting.

Last Saturday naman, umani ng tagumpay sa ratings ang episode ng Maalaala Mo Kaya, kung saan siya gumanap na isang seagay or seaman na gay, imagine nakakuha ito ng 36.9% ratings, huh!

Nitong nakaraang Martes naman, September 25, ginawaran si Edgar ng Famas Awards ng Youth Achievement Award para sa kanyang pagiging Breakthrough Actor. Wow, ikaw na talaga!

Sa ngayon, kasalukuyang nagsi-shooting si Edgar para sa kanyang MMFF entry na ‘Pedrong Walang Takot’ na episode ng Lola Basyang under Unitel & Studio 5.

Ang masasabi ko lang, simula nang mawalay ang pangalan ni Jolan Veluz na laging nakakabit noon sa pangalan ng da-ting Mr. Pogi, sunud sunod na ang tagum-pay ni Edgar.

Magsilbi sana itong hudyat ng kanyang tuluy-tuloy na pagbabago ngayong umaani na siya ng papuri at tagumpay lalo pa’t binigyan siya ulit ng bagong pagkakataon ng kanyang manager na si Noel Ferrer. Sana ay huwag niya itong sayangin at mag-focus na talaga sa kanyang career at pahalagahan ito – habang nandyan pa ang mga magagandang opportunities – sa kabila ng katotohanang napakaraming gustong umagaw ng atensyon sa showbiz sa pamamagitan ng reality shows at talent searches.

 

NAKAKALOKA, HA? Ano raw itong narinig naming tatapatan ng GMA ang hit teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart? Wow, ha? The nerve… the nerve daw talaga, oh!

Well, wala namang masama siguro pero as it is, mahirap banggain ang pader na matayog na, ‘di ba naman?

Ang itatapat daw dito ay pagtatambalan nina Jake Vargas at Bea Binene. Sino raw? Kilala naman namin si Jake, pero ‘yung girl ay hindi, hahaha!

At recently nga nakausap namin si Jake at aniya, “Ayun masaya talaga, kasi bumalik na ‘yung Pepito Manaloto, saka ‘yung bago naming show ni Bea Binene… ‘yung pang-umaga na drama.”

Ang napapabalitang titulo ng nasabing soap ay You’re My Only One na pagbibidahan ng JaBea tandem. May ganito palang tandem?

Pero ayon kay Jake, “Opo ‘yan ‘yung itatapat ng GMA. Sana magiging ano ‘yung ratings namin, maging maganda at sana maraming sumuporta na tao.”

Ang role daw niya du’n ay isa sa mga love interests ni Bea at magkakaroon sila ng love triangle ng isa pang bida na ayon pa sa balita, posibleng isa sa kanila ay si Joshua Dionisio o si Kristoffer Martin.

Napi-pressure ba sila kasi sobrang lakas ng makakalaban nila? Deklara niya, “Opo kasi ‘yung show na ‘yun parang ang sobrang saya, at tatapatan namin ng drama, kaya naman sobrang napakalaking challenge niya para sa amin.”

Challenge nga ‘yan, Jake! Ang masasabi namin, goodluck!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

3 thoughts on “Edgar Allan Guzman, sinuwerte nang todo matapos hiwalayan ang dyowa!

  1. Mistisang tsimay  at bugnuting Intsik? telepantasya naman kasi ang BCWMH ng ABS. Alam naman ng madla na sa totoong buhay minamaltrato ang mga katulong ng mga mayayamang intsik! marami ng mga police cases ang nakafile sa mga ganitong krimen. Low life ang tingin ng mga Instiks sa mga Pinoy noh!

    o siya mga kapalmuks magilusyon at magpantasya kayo sa walang kabuluhang storya nito…

Leave a Reply

Your email address will not be published.