Edgar Allan Guzman: From Mr. Pogi to Best Actor!

ANG SUWERTE TALAGA ni Edgar Allan Guzman! Dire-diretso ang pagdating ng projects sa kanya simula nang mag-crossover ito from GMA-7 to TV5. Sunud-sunod din ang mga alok sa kanya ng independent film producers na magbida sa kani-kanilang mga pelikula. Nagpakitang-gilas na siya noon sa mga Cinemalaya entries na Astigs at Magdamag.

Sa kakatapos lang na Cinemalaya Film Festival, tampok din ang Kapatid star sa dalawang pelikula: Ang Bisperas ni Jeffrey Jeturian kung saan siya’y gumanap bilang isang klosetang binata at ipinakita naman niya ang kanyang pagkalalaki at ka-astigan bilang Intoy sa Ligo Na U, Lapit na Me ni Erick Salud. Hindi lang ‘yan, nasungkit pa niya ang Best Actor award! Sey n’yo?!

Matagal-tagal na rin sa showbiz si Edgar Allan Guzman. Nag-umpisa ito bilang isa sa mga back-up dancers ni Joross Gamboa (kasabay ba niya si Gerald Anderson?) bago ito sumali sa patimpalak ng Eat Bulaga na Mr. Pogi. Pagkatapos masungkit ang nasabing ti-tulo, naging mainstay na rin siya sa nasabing noontime variety show. Lumabas din ito sa ilang Kapuso shows tulad ng Daisy Siete, kung saan niya nakapi-ling ang current girlfriend na si Johlan Veluz na dating kasali sa grupong SexBomb Dancers.

Kitang-kita ang tuwa sa mata ni Edgar Allan Guzman nang matanggap niya ang Balanghay trophy sa Cinemalaya Awards Night. Iba raw ang pakiramdam na mapansin ng mga hurado ang kakayanan mo bilang aktor. Kahit na may sakit siya noong araw na iyon ay hindi niya ito ininda. Mas mabisa pa nga ‘atang gamot ang tropeyo, ‘noh? Samu’t sari naman ang reaksyon ng madla nang bigla itong magparinig na sana raw ay maging aktibo na rin siya sa mainstream mo-vies. Mukhang posible nga itong mangyari dahil kinuha na ng Regal Entertainment ang rights na ipalabas ang pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me sa mga paboritong sinehan simula sa Agosto 17. Paniguradong mapapansin lalo ng mga manonood ang kakayanan niyang magpainlab lalo na’t kasalo pa niya rito ang napaka-seksing si Mercedes Cabral.

Sa ngayon, mapapanood din si Edgar Allan Guzman sa primetime series ng TV5 na The Sisters, kung saan siya gumaganap bilang baklitang bestfriend ni Nadine Samonte. Sa iba-ibang roles na napupunta sa binata, lalo niyang naipapakita na deserve niya ang lahat ng blessings na napupunta sa kanya.

Congratulations muli sa ‘yo, Edgar Allan! Nawa’y dumami pa ang iyong proyekto. Pero huwag lalaki ang ulo, ha? Hindi ‘yan ikatutuwa ni John Lennon!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.