Edgar Allan does the ‘Tissue-tripper’

ANG FORMER MISTER Pogi grand winner na si Edgar Allan Guzman ay isa nang award-winning actor. Pinatunayan niya ‘yan nang pagwagian ang Best Actor trophy sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Ligo Na U, Lapit Na Me. Siya na raw ang bagong indie prince pero ayon sa guwapong young actor eh, masuwerte lang siya at magaganda ang mga pelikula na dumating sa kanya, na pinagkatiwalaan din ng mga premyado at kilalang direktor. Kaibigan at idol rin niya si Coco Martin na binansagan namang Indie King, kasi nga’y under din ito dati ng manager niyang si Noel Ferrer noon. Marami pa raw siyang dapat matutunan sa pag-arte para marating niya ang narating ni Papa Coco. Humble! Siya nga pala, pumirma na rin siya ng kontrata sa Regal Films, Kabog! Pero teka lang, may nakapagbulong na may naiiba ka raw trip gawin in private place? Maaari bang pakibulong mo sa amin, please?

Photos by Luz Candaba

By MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Edgar Allan does the ‘Tissue-tripper’

Leave a Reply

Your email address will not be published.