Eddie Gutierrez calls KC ‘daughter-in-law’

MASAYANG KAUSAP SI Tito Eddie Gutierrez. Diretso nitong sinabi na hindi na niya pinoproblema pa ang pagiging pala-away ni Tita Annabelle Rama dahil aniya, “ganyan na siya. What you see is what you get. Minahal ko siya nang ganyan.”

Pero suportado naman daw niya ang anumang magagandang desisyong ginagawa nito. In fact, ito nga tumatayong manager niya and so far naman daw, wala siyang mairereklamo rito.

Puring-puri rin ni Tito Eddie ang anak na si Richard. Sobra na raw nitong nalampasan ang anumang estado na naitala niya sa showbiz.

At dahil magkasama sila ngayon sa Zorro, ang marahil ay pinakabongga nang teleserye na pinagkagastahan talaga ng GMA 7, “I have nothing but praises on my son.”

DAUGHTER-IN-LAW kung tawagin na rin ni Tito Eddie si KC Concepcion. Panay ang papuri niya sa dalaga at tanggap na tanggap daw ito ng kanilang pamilya.

Nang mapag-usapan namin ang mga bagay-bagay na nakikita niya saanak kumpara noong siya naman ang isa sa pinaka-sikat na matinee idols ng bansa, tinuran nitong “marami.”

Naririyan daw ang mga simpleng gestures at mannerisms. At siyempre pa ang pagiging habulin ng mga babae. Kaya nga pinayuhan niya si Chard ng “basta Chard, one girl at a time.”

Siya raw kasi, never namang nagsabay-sabay ng mga babae at naniniwala siyang hanggang sa mga sandaling ito, nanatili siyang isang “one woman-man.”

Super grateful din siya sa naging buhay ng iba pa niyang mga anak gaya nina Ruffa at Raymond. “May kani-kaniya silang achievements at ngayon ay masaya sila sa kanilang mga ginagawa. ‘Yun lang naman ang sikreto du’n, be happy,” hirit pa ng 67-anyos na ama nina Chard at Ruffa.

Kaya nga raw sa susunod na pagkakataon na mag-palpitate pa si Tita Annabelle, “tutulugan ko na lang siguro dahil alam kong paggising ko, tapos na uli ang isyu,” sabay turo nito sa may bandang puso at sinabing, “hindi puwedeng ma-stress o mangunsumi.”

MEANWHILE, GAANO KAYA katotoo ang tsismis na ang isa nga raw sa mga dahilan kung bakit nagawa ni hunk actor na hiwalayan ang kanyang karelasyon ay dahil sa dalas ng pakikitungo nito (read: lumalabas at mas madalas pang magkasama nang matagal) sa isang dating sikat na aktor.

Noong una nga raw, inakala nitong friendly dates lang ang lahat lalo pa’t may mga kagrupo rin itong showbiz friends kapag nagba-bonding. Pero nang bandang huli na raw, may nakararating na ritong tsika at sumbong na ’tila’ mayroong espesyal na namamagitan sa dalawa, rason para magdesisyon si hunk actor na makipaghiwalay sa karelasyon.

Well, nang malaman namin ang identity ng sinasabing dating sikat na actor, naloka na lang kami dahil gaya nga ng mga nasusulat tungkol sa kanya, mukhang may kakambal nga itong kamalasan sa katawan! Lahat kasi ng mga taong na-involve dito, tila may nangyayaring hindi maganda, somehow…

by Ambet Nabus

loading...

One thought on “Eddie Gutierrez calls KC ‘daughter-in-law’

  1. concepcion,tarlac
    Monday, April 06, 2009, 03:11pm
    sana sa SNN botohan kay fafa piolo, kung talagang bading siya. for example. sa letter A. bading talaga or letter B. hindi siya bading. kasi diyan mo malalaman ang opinyon ng tao eh. at saka i topic niyo sa the BUZZ sa P.O.B para naman sa opinyon niyong tatlo. we love you miss Kris and Boy and also Ruffa. pls. lang request lang namin.

    115
    miss kris pls. read this. from concepcion, tarlac Says:
    April 6th, 2009 at 2:55 pm
    miss kris, mag comment lang ako pasensiya na, tungkol kay fafa piolo,siguro nga bading si fafa piolo,kasi sa daming magaganda sa abs wala man lang naging gf. tapos binansagan pa man din dreamboy ng lahat. wala man lang nagustuhan sa mga girls na abs. bakit laging na lilink siya sa mga lalake. nung una kay sam milby. ngayon kay mark bautista, nahuli siya na hinahalikan niya si mark b. mismo sa condo niya sa may elevator.hay naku taga dun din ang nakahuli.kaya halos lahat ng tao naniniwala na bading talaga siya. grabe pati si alfie l. lolit s. siguradong naniniwala ang mga yon. kasi parang may alam din sila sa buhay ni fafapiolo. sabagay wala naman masama sa pagiging bading, pero bakit ayaw pa niyang aminin, kagaya kay bebe gandanghari dba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.